Pagtanggap ng pamahalaan sa Ukrainian refugees, pinuri ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total views

Pinuri ng opisyal ng Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paghahanda ng pamahalaan sa pagtanggap ng mga Ukrainian Refugees sa bansa.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Vice-Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerants People (CBCP-ECMI) at Promoter ng Stella Maris Philippines, isang mabuting balita ang pagnanais ng Pilipinas na tanggapin ang mga nagsilikas sa Ukraine

“That is good news to our humanity. We have done that before and we did it successfully and fruitfully. We have welcome the so called boat people, those who fled the indochina wars, in Morong Bataan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng Obispo ay dahil narin sa pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bukas ang Pilipinas para sa mga Ukrainian Refugees.

Ito ay kasabay ng paglalagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order no.163 na ipinag-uutos ang pagbibigay proteksyon, pagtanggap, at pagkalinga ng Pamahalaan at ng buong bansa sa mga Refugees na apektado ng Digmaan.

“That will be our gift to give to whole world,” Pagbabahagi pa ng Obispo sa pagturing sa inisyatibo bilang isang biyaya at regalo ng Pilipinas hindi lamang sa mga mamamayan ng Ukraine kungdi pati narin sa buong mundo.

Tiniyak rin ng Obispo ang kahandaan ng CBCP-ECMI ang pakikiisa ng CBCP-ECMI at Stella Maris Philippines sakali mang magsimula ang inisyatibo ng pagtanggap ng refugees.

Patuloy din ayon kay Bishop Santos ang pag-aalay ng mga misa at pananalangin para sa mga Mandaragat at Migrante upang ipag-adya ang bawat isa sa banta at panganib na idinudulot ng Digmaan.

“We have issued our pastoral statement about invasion in Ukraine praying for war to end, change of heart for those who called the war and protection of all especially migrants and seafarers. We, chaplains, are offering Holy Masses for conversion Russia to foster peace and to stop the invasion,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.

Sa pinakahuling talaan ng United Nations umaabot na sa mahigit 1-milyong refugee ang lumikas sa Ukraine ng dahil sa patuloy na pananakop ng Russia sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 4,109 total views

 4,109 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 32,460 total views

 32,460 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 100,190 total views

 100,190 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 123,341 total views

 123,341 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 193,243 total views

 193,243 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 6,801 total views

 6,801 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top