Pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Tino, tiniyak ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,429 total views

Tiniyak ng Caritas Manila ang pagsaklolo at pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Tino sa mga lalawigan sa Visayas partikular na sa Cebu.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual -executive director ng Caritas Manila, mahalagang magkaisa ang lahat sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa rehiyon.

Partikular na nanawagan si Fr. Pascual sa mga mananampalataya na hindi naapektuhan ng bagyo na tumugon at tumulong sa sitwasyon sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Tino.

“Tayo po ay muling sumasaklolo at humihingi ng tulong sa ating mga kapanalig, saan man tayo sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Tayong mga hindi tinamaan ng Bagyong Tino ay humihingi tayo ng tulong upang mabigyan natin ng suporta at maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan na tinamaan sa kabisayaan lalong lalo na sa Cebu.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ng Pari ang agad na pakikipag-ugnayan ng Caritas Manila sa mga Obispo at social action centers sa mga apektadong diyosesis upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga biktima.

Ayon kay Fr. Pascual, sa pamamagitan ng mga nakasasakop na diyosesis ay magpapadala ng tulong ang social action arm ng Archdiocese of Manila para sa pagbili ng relief goods, gamot, hygiene kits, pagkain, at kumot na ipamamahagi sa mga nasalanta.

“Nagtext na din po tayo sa mga Obispo at mga social action counter-part natin sapagkat ang Caritas Manila po ay handang tumulong, nagpapadala agad tayo ng pondo lalong lalo na kapag labas ng Luzon upang dun nalang sila bumili ng mga relief good, mga gamot, hygiene kits, pagkain, kumot, mga immediate na pangangailangan para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayang biktima ng bagyo.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Paliwanag ni Fr. Pascual, ang bawat Pilipino ay may tungkuling makibahagi sa pagtulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad bilang bahagi na rin ng pambansang pagkakakilanlan ng katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng anumang kalamidad at sakuna.

“Ang Pilipinas daanan talaga tayo ng bagyo sa buong mundo pero naniniwala po tayo, pinagpala po tayo, we are resilient country, resilient Filipinos at may kapalit na pagpapala ang ating mga sakripisyo sa mga biktima ng kalamidad na gawa ng kalikasan at gawa ng tao.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Ayon sa Pari, ang Caritas Manila ay patuloy na tumatanggap ng donasyon sa pamamagitan ng kanilang mga bank accounts, GCash, at parish-based Caritas centers upang maipagpatuloy ang mga programang naglalayong makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Visayas region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 69,685 total views

 69,685 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 87,585 total views

 87,585 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 134,151 total views

 134,151 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 121,441 total views

 121,440 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 137,684 total views

 137,683 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top