Pagtutulungan, sagot sa nararanasang economic crisis ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,282 total reads

Nanindigan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na ang pagtutulungan ng mga Pilipino ang tugon sa dinaranas na krisis sa ekonomiya ng bansa.

Ito ang panawagan ni Bro.Jun Cruz, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP)sa mga Pilipino matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mabilis na 5.4% inflation rate sa nagdaang buwan ng Mayo.

Nilinaw ni Cruz na tanging magagawa ng mga nagigipit na working class ay magtipid habang ang mga nakakataas at may kakayahan ay nararapat na tumulong para paandarin ang ekonomiya.

“Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, ang palaging nagigipit ay ang mga working class, Sa ganitong mga panahon din, ang nagiging solusyon ng marami ay ang magtipid at huwag gumastos o mamili. Ngunit sa mga nakatataas at capable, kailangan ngayon na sila ay tumulong na paandarin ang ekonomiya,” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Ayon pa kay Bro. Cruz, sa pamamagitan ng mga maliliit na hakbang tulad ng pagbili sa maliliit na tindahan, negosyo at sa mga naglalako sa lansangan ay matutulungan ng bawat isa na kumita.

Umaapela din ng Pangulo ng S-L-P sa mga nakakatanggap ng buwanang OFW remittances na magsimula ng maliliit na negosyo upang magkaroon ng dahan-dahang pag-unlad ang ekonomiya ng bansa.

“Gayundin ang mga nakatatanggap ng mga remittances sa OFWs, gamitin natin ang mga pera upang makagawa ng maliliit na negosyo sa ating pamayanan, Let us create small circular economies within our communities and give others a chance to earn also,” ayon pa kay Bro.Cruz.

Unang nagbabala si Department of Agriculture Secretary William Dar sa posibilidad ng pagkakaroon ng food crisis sa mga susunod pang buwan.

Inihayag din ng economic expert na si Astro Del Castillo ang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin dahil sa digmaan ng Russia at Ukraine na nagdulot ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 26,626 total reads

 26,626 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 125,002 total reads

 125,002 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 169,271 total reads

 169,271 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 192,380 total reads

 192,380 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 266,178 total reads

 266,178 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 26,469 total reads

 26,469 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top