Pahayag ng Pangulong Duterte sa Simbahan, huwag seryosohin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total views

Ito ang binigyan diin ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa paulit-ulit na batikos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni CBCP-Episcopal Commission on Mission chairman Sorsogon Bishop Arturo Bastes at CBCP-Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na hindi dapat seryosohin ang mga “non-sense” na pahayag ng Pangulong Duterte laban sa Simbahang Katolika.

Ayon kay Bishop Bastes, mahalagang ipagsawalang bahala na lamang ang mga pahayag ng pangulo. “It is non-sense. So don’t take seriously the pronouncements of Du30. The best is simply to ignore such remarks.”pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas

Para naman kay Bishop Broderick Pabillo walang value at hindi pinag-isipan ng Pangulong Duterte ang kanyang mga pinagsasabi sa media.

“What he says has no value anyway kasi hindi naman niya pinag-iisipan.”pahayag ni Bishop Pabillo.

Naninindigan din si CBCP-Permanent Committee on Public Affairs Chairman out-going Lipa Archbishop Ramon Arguelles, Bishop Bastes, Bishop Pabillo at CBCP Permanent Committee on Cultural Heritage Chairman Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na mabibigo lamang ang Pangulong Duterte kung layunin nitong pabagsakin ang Simbahan na tutol sa kanyang mga anti-poor at anti-life policies.

Inihayag ng mga Obispo na marami na ang nagtangkang pabagsakin ang Simbahan sa nakalipas na 2,000-taon ngunit lahat sila ay nabigo.

“That is his wish. Many others before wished and tried vehemently to put an end to the Church. They never succeed these two thousand years.”pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radio Veritas

“The Lord Jesus said to Peter that not even the gates of hell can destroy the Church. Napoleon thought he could destroy it but failed! A million of Duterte’s will never succeed in harming it. Everything will be passé but the Church will give way only to the dawning of God’s Kingdom, whose image on earth is the Catholic Church”.mensahe naman ni Bishop Bastes

Nanindigan sina Archbishop Arguelles at Bishop David na ang mga batikos at pag-atake ay lalong magpapatatag sa Simbahang Katolika dahil si Hesus ang nagbibigay buhay sa institusyon.

“Attacks from outside never weaken but further strengthen the church. Weakness (immorality, sensuality, infidelity, materialism) especially of its leaders enfeebles the Church but can never end it, because while the members if Christ struggle so much against human weakness Christ Himself is God”.pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radio Veritas

“CHURCH: PASSÉ IN 30 YEARS? A lot of people have said the same thing many centuries ago. Some have even tried to destroy the Catholic Church. Well, it appears that not even the sins and weaknesses of her members could destroy the Church (so far). Actually, the Church seems to be even more effective as a minority. She is like a mustard seed, or a little lamp in the dark, or a pinch of salt in a pot of stew, or a little leaven in a mass of dough. She remains in existence, not because of us, or perhaps even in spite of us. Only Jesus Christ keeps the Church alive. I mean to say that in all humility.”mensahe ni Bishop David

video source :  Presidential Communications (Government of the Philippines)

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 255 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 362 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 52,649 total views

 52,649 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 124,197 total views

 124,197 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 155,479 total views

 155,479 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 187,495 total views

 187,495 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 336,959 total views

 336,959 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 96,229 total views

 96,229 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top