Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Human Trafficking

SHARE THE TRUTH

 1,353 total views

Ang salot ng human trafficking, kapanalig, ay kay hirap mawaksi sa lipunan, lalo na sa mga bansang mahirap gaya ng Pilipinas.
Ayon sa report ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), ang human trafficking ay ang sapilitang pagkuha o pag-recruit sa mga tao at pagdala sa kanila sa ibang lugar kung saan sila ay pinagsasamantalahan.
Kadalasan, nakukuha ang mga biktim ng human trafficking sa pamamagitan ng panlilinlang: sa mga pangako ng mas magandang trabaho at mas maayos na buhay. Ang iba ay sapilitang kinukuha, tinatakot, o binabayaran. Ang mga biktima ng human trafficking, ayon sa UNODC ay kadalasan nilalagak sa prostitusyon o sapilitang pagtatrabaho, at pang-aalipin.
Kapanalig, mataas pa rin ang bilang ng human trafficking sa loob at labas ng bansa. Tinatayang umaabot ng 200 milyong tao sa buong mundo ang nasa ilalim ng control ng mga human traffickers. Mga 30 milyon dito ay mga babae at bata mula sa Southeast Asia. Ayon naman sa Coalition Against Trafficking of Women-Asia Pacific, mga 300,000 hanggang 500,000 ang mga babaeng biktima ng human traffkcing sa bansa. Sila ay karaniwang sinasadlak sa mga prostitution rings. Mga 30% dito ay mga minors lamang. Marami sa kanila ay galing sa mga rural areas, hanggang high school lamang ang naabot, at mula sa pamilyang may anim hanggang labing-isang kasapi. Mga 75% ng mga kababaihang ito ay biktima rin ng sexual abuse. May mga ethnic groups na nabibiktima rin ng human trafficking, gaya ng B’laan, T’Boli, Kaulo, while the Moslems are Maranao, Mandaya, Badjao, Sama, Manobo and Lumad.
Kapanalig, ito ang nakakalungkot sa ating bansa ngayon. Ang ating mga pinuno ay tila kulang na kulang ang proteksyon ang binibigay sa mga mamamayan nito. Ano nga ba ang mga programa ng nasyonal at mga lokal na pamahalaan upang mabigyan proteksyon ang mga kababaihan at kabataan nito mula sa mga krimen gaya ng human trafficking?
Kalunos lunos ang sitwasyon ng mga biktima ng krimen na ito. Tinatanggal nito ang dignidad ng tao, kasama ng kanyang pag-asa sa mas matiwasay na buhay. Ang pagpaparaya sa ganitong sitwasyon ay dapat maituring na krimen din, kapanalig.
Si Saint Pope John Paul II ay may pahayag ukol sa krimen na ito. Gisingin sana tayo nito: “Ang pagbebenta ng tao ay isang “shocking offense” – matinding paglabag sa karapatang pantao. Ito ay napakalaking sala sa batayang “values” ng lahat ng kultura ng tao. Ang pagdami ng insidente ng pagbebenta ng tao ay isa sa mga pinakamalaking isyu ng mundo ngayon. Ito ay malaking banta sa seguridad ng tao at ng bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 2,583 total views

 2,583 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 18,672 total views

 18,672 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 56,474 total views

 56,474 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 67,425 total views

 67,425 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 13,340 total views

 13,340 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 2,585 total views

 2,584 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 18,673 total views

 18,673 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 56,475 total views

 56,475 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 67,426 total views

 67,426 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 90,578 total views

 90,578 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 91,305 total views

 91,305 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 112,094 total views

 112,094 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 97,555 total views

 97,555 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 116,579 total views

 116,579 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top