Pakiusap ng mga bakwit

SHARE THE TRUTH

 126 total views

Mga Kapanalig, bago pa sumapit ang inaasahang pagtatapos ng batas militar sa Mindanao noong Sabado, Hulyo 22—o sa ika-60 araw mula nang ideklara ito noong Mayo 23—hiniling na ni Pangulong Duterte sa Kongreso na palawigin pa ang pagpapatupad ng batas militar at ang suspensyon ng privilege of the writ of habeas corpus hanggang sa katapusan ng taóng kasalukuyan. Katwiran niya, hindi sapat ang dalawang buwan upang lubusang mapuksa ang grupong Maute at upang mapigilan ang banta ng terorismo sa Mindanao. Naniniwala siyang kailangan ang batas militar upang maipagpatuloy ang pagtugis ng ating mga sundalo sa mga kasapi ng teroristang grupo.

At nitong Sabado nga, matapos ang halos pitong oras na deliberasyon, inaprubahan ng Kongreso ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao hanggang ika-31 ng Disyembre ngayong taon. Sa 279 na mga congressman at senador na dumalo sa special joint session, 18 lamang ang tumutol. Inaasahan na ang ganitong resulta dahil kaalyado ni Pangulong Duterte ang mayorya ng mga mambabatas.

Ngunit sa kabila ng ingay ng mga sumusuporta sa martial law sa Mindanao, may mga kababayan tayong hindi kumbinsidong kailangan ng batas militar upang tapusin ang krisis sa Marawi. At taliwas sa paniniwala ng marami na mga taga-Maynila ang tutol sa martial law, mga taga-Marawi mismo ang mga nananawagang huwag nang palawigin ang batas militar sa Mindanao. Isa rito si Samira Gutoc-Tomawis, isa sa mga convenor ng Ranao Rescue Team. Binigyan siya ng pagkakataong magsalita sa special joint session kung saan inilarawan niya ang hirap na nararanasan ng mga bakwit sa mga evacuation centers, ang matagalang pagkuwestyon sa mga pinaghihinalaang miyembro ng grupong Maute, ang kawalan ng privacy para sa mga kababaihang Muslim, at ang kawalan ng pagkakataong mailibing nang may dignidad ang mga namatay nilang kamag-anak. Nais na nilang umuwi sa kanilang tahanan, nais na nilang bumalik sa kanilang bayan. Subalit hindi ito naging sapat upang makumbinsi ang ating mga mambabatas na hindi na palawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Linawin natin, mga Kapanalig, na may martial law man o wala, magagawa ng ating Sandatahang Lakas na magsagawa ng operasyon upang tugisin ang grupong Maute. Ngunit binibigyang-katwiran ng pagpapalawig ng martial law ang militar na solusyon sa krisis sa Marawi. Ang mas nakalulungkot pa, mga Kapanalig, marami sa mga mambabatas natin—maging sa ating mga kababayan—ang pabor sa pagpapa-iral ng martial law sa buong Mindanao dahil sa sinasabing mabuting bunga nito sa ibang taga-Mindanao. Kailangan daw ito upang mapanatiling payapa at ligtas ang mga mamamayan sa ibang lugar sa Mindanao. Kailangan daw ang batas militar upang hindi na lumabas pa ng Marawi ang gulóng dala ng Maute group. Isinasantabi ng ganitong pangangatwiran ang matinding hirap na nararanasan ng mga kababayan nating kinailangang lumikas mula sa Marawi at tumutuloy ngayon sa mga evacuation centers. Ituturing din kaya silang “collateral damage” lamang sa ngalan ng kapakanan ng mas nakararami?

Ang hindi pakikinig sa boses ng mga maliliit sa ating lipunan—katulad ng mga kababayan nating bakwit—habang ginagawang prayoridad ang pagtiyak sa sariling kaligtasan at maginhawang buhay ay sumasalamin sa tinatawag natin sa Ingles na “indifference” o kawalang-malasakit. Sa Evangelii Gaudium, sinabi ni Pope Francis na inaalis ng paghahangad para sa pansariling kabutihan at pagsasantabi sa iba ang ating kakayahang pagmalasakitan ang ating kapwa. Dahil sa kawalang-malasakit, hindi natin kayang tumangis para sa sakit at hirap na nararanasan ng iba. Inaalis rin nito sa atin ang pakiramdam na kailangan nating tumulong dahil iniisip nating tungkulin ng ibang taong magbigay ng tulong. Ikaw Kapanalig, naisip mo na ba kung gaano kahirap ang kalagayan ng mga bakwit?

Mga Kapanalig, hindi matatapos ang pagdurusa ng mga bakwit kahit pa matapos ang extension ng batas militar sa Mindanao. Magpapatuloy ito kung ang kanilang mga lider at kapwa-Pilipino ay magbibingi-bingihan sa kanilang pakiusap at magbubulag-bulagan sa hirap na kanilang pinagdaraanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 13,412 total views

 13,412 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 25,836 total views

 25,836 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 41,271 total views

 41,271 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 42,511 total views

 42,511 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 52,522 total views

 52,522 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 13,413 total views

 13,413 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 25,837 total views

 25,837 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 41,272 total views

 41,272 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 42,512 total views

 42,512 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 52,523 total views

 52,523 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 50,971 total views

 50,971 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 65,730 total views

 65,730 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 56,224 total views

 56,224 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 75,621 total views

 75,621 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 86,736 total views

 86,736 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 90,657 total views

 90,657 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 73,584 total views

 73,584 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 69,982 total views

 69,982 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 69,591 total views

 69,591 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 92,418 total views

 92,418 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top