Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magnificent 7, hihilingin sa Korte Suprema ang pagpapawalang bisa sa ML extension

SHARE THE TRUTH

 213 total views

Maghahain ng panibagong petisyon ang tinaguriang Magnificent 7 ng House of the Representatives laban sa 5-buwang pagpapalawig ng Martial law sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay Ifugao Lone District Representative Teddy Brawner Baguilat, Jr., bukod sa motion for reconsideration laban sa pagpapatibay ng Korte Suprema sa unang Martial law declaration noong ika-23 ng Mayo, muli silang aapela sa Supreme Court upang suriin ang legalidad ng pagpapalawig ng umiiral na Batas Militar sa Mindanao.

“Well kami sa tunay na minority yung magnificent 7 ay maghahain kami ng petition sa Korte Suprema upang ireview yung validity nung extention ng Martial Law at kung maari ipawalang bisa, iba pa ito doon sa aming motion for reconsideration doon sa unang desisyon ng Korte Suprema doon sa proclamation…”pahayag ni Baguilat sa panayam ng Radyo Veritas.

Noong ika-22 ng Hulyo ay inaprubahan ng Kongreso sa Joint Session ang pagpapalawig sa umiiral na Batas Militar sa rehiyon ng Mindanao nang hanggang sa ika-31 ng Disyembre alinsunod sa apela ni Pangulong Duterte.

Sa botong 261-pabor laban sa 18-hindi pabor ay tuluyang inaprubahan ng Kongreso ang pagpapalawig ng Martial Law na naglalayong ganap na maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.

Sa panig ng Senado, 16 na mga Senador ang pumabor habang 4 naman ang hindi sumang-ayon sa pagpapalawig ng Martial Law at 245 na Kongresista ang bumoto sang-ayon sa Martial Law extension laban sa 14-na hindi pabor.

Nauna nang nanawagan ang mga lider ng Simbahan na masusing pag-aralan ng pamahalaan ang patuloy na pagpapairal ng Batas Militar na inaasahang magiging malaki ang epekto hindi lamang sa kalagayang pang-seguridad ng bansa kundi maging sa pamumuhay ng mga mamamayan sa Mindanao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,311 total views

 6,311 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,295 total views

 24,295 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,232 total views

 44,232 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,425 total views

 61,425 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,800 total views

 74,800 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,407 total views

 16,407 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 21,443 total views

 21,443 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 28,235 total views

 28,235 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top