Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaang lokal ng Quezon, hinimok na manindigan laban sa coal fired power plants

SHARE THE TRUTH

 341 total views

Nanawagan ang Ecology Ministry ng Diocese of Lucena sa lokal na pamahalaan nito na itigil na ang pagtatayo ng karagdagang Coal Fired Power Plants sa lalawigan.

Ayon kay Fr. Warren Puno, head ng Ecology Ministry, maipakikita ng mga pinuno ng pamahalaang lalawigan ang tunay na malasakit nito sa bayan kung hindi nito hahayaang maitayo ang karagdagang planta sa Quezon.

Iginiit ng pari ang masasamang epekto nito sa kalusugan at kalikasan na sisira sa agrikultura na makakaapekto sa kabuhayan ng mamamayan.

Dahil dito, iginiit niyang dapat itigil na ang business as usual na kalakaran at unahin ang kapakanan ng mamamayan.

“Sa mga namumuno sa mga bayan at lalawigan dito sa lalawigan ng Quezon, quota na po tayo sa coal-fired power plant dito sa lalawigan kaya nakikiusap po kami huwag na po ninyo aprobahan ang mga proyektong iyan. Ipakita po ninyo ang inyong malasakit sa mga mamamayan. Tama na po ang business as usual.” Pahayag ni Father Puno.

Hinimok din ni Fr. Puno ang mamamayan na kumilos at makiisa sa pananawagan sa pamahalaan upang mapigilan ang pagtatayo ng mga coal fired power plants.

Ginawa ng Pari ang panwagan kasabay ng isang linggong pagkilos ng mga makakalikasang grupo bilang pakikiisa sa Global Climate Strike na sinimulan noong ika-20 ng Septyembre.

Natukoy na isang 455 Megawatt coal fired power plant ang itatayo ng San Buenaventura Power Ltd. Co. sa Mauban Quezon.

Una nang inihayag ng kanyang kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si, ang panawagan sa mga pinuno ng bawat bansa na magtakda ng mga polisiyang magpapatigil sa paggamit ng coal plants at fossil fuels na sumisira sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 11,738 total views

 11,738 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 25,698 total views

 25,698 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 42,850 total views

 42,850 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 93,246 total views

 93,246 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 109,166 total views

 109,166 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 164,270 total views

 164,270 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 108,116 total views

 108,116 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top