Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamamahagi ng condom, pagsasayang ng pera ng bayan

SHARE THE TRUTH

 336 total views

Edukasyon at impormasyon ang kailangan upang labanan ang paglaganap ng HIV and AIDS at hindi ang pamamahagi ng condom sa mga paaralan na pagsasayang ng pera ng bayan.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, ang pamamahagi ng condom sa mga estudyante ay magtutulak lamang sa kanila na makipagtalik na isang immoral na gawin sa mga taong hindi kasal.

Dagdag ng pari, pagsasayang ng pera ng bayan ang hakbang na ito ng Department of Health dahil ang condom kahit hindi ipamahagi ng libre, ito ay nabibili over the counter sa murang halaga.

Sa halip, ayon kay Fr. Secillano, dapat mag-invest ang pamahalaan sa impormasyon na maging tapat sa kapareha o asawa, mapanganib ang pakikipagtalik sa ibat-ibang kapareha, maging sa kapareho ang kasarian.

“Now young assessment and realistic hindi naman lahat ng estudyante makikipagtalik ng ganun ganun, eh yung mga estudyante na hindi makikipagtalik ano ang gagawin nila sa condom, paglalaruan nila gagawin nilang balloon, so anong ibig sabihin nito, sayang ang pondo. Milyon milyong piso ang gagamitin nila, yung mga ahensiyang ito sila din ang nagsasabi na need ang education, mainform ang tao, sanayin sila, yun naman pala nakikita nila na mabisang pamamaraan so why not invest in this kind of campaign na maiparating sa mga tao lalo na sa mga kabataan na there are risk in engaging in sexual intercourse ng ganun ganun na lang especially having multiple partners and that condom itself cannot actually reduced the risk or maybe eradicate the problem? Yan ang dapat tutukan ang panganib, kahit mamigay ka pa ng sangkaterbang condom parang obvious na dati, andiyan na yan, and yet wala rin namang nangyayari kahit everywhere ang condom,” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, hinimok din ng pari ang pamahalaan na tutukan ang sektor ng LBGT Community lalo na at malaking porsiyento ng may HIV and AIDS ay mga bakla.

“Tutukan din ang mga biktima na mga lalaki o gay, dito pa lang din dapat yung sektor na yan tinututukan ng maigi, sa palagay mo ba sa pakikipagtalik nila sa kanilang partner gagamitin nila nito in one sitting, how many times are they going to use that, so wala ring epekto ang ibinibigay nilang isa o dalawang condom. So education ang mabisang kampanya, mag-invest na lang sila dito at ito ay tinukoy na ng WHO at ng DOH na epektibo,” dagdag ng pari.

Naniniwala ang pari na nakukuha ang nasabing sakit sa sporadic sexual activity, kayat aktibo ang Simbahan sa kampanya na ABC o Abstinence, Be faithful at Conversion of heart to the value of love and sacredness of sex as a gift of God in marriage.

“Ang problema dito hindi talaga ang condom kundi ang sporadic sexual activity, mas matindi ito, dun nila nakukuha yan sa multiple partners, kung kani-kanino sila nakikipagtalik, so realsitic pa naman ang tinuturo ng Simbahan (abstain from engaging sexual intercourse, be faithful to your partners, at kinuha na ng secular world, yung ABC na abstinence, being faithful at ginawa nila ang C na condom. Hindi naman ang Simbahan ang gumawa ng abc kundi ang secular na mundo. Sa makatuwid effective pa rin naman na mag-abstain ka at tapat sa iyong kapareha,” ayon pa kay Fr. Secillano.

Sa datus ng Department of Health, 25 Filipino kada araw ang nagkakaroon ng sakit na HIV and AIDS mula noong Mayo ngayong taon habang simula 1984 hanggang October 2016 umabot na sa 38, 114 ang kaso nito sa Pilipinas kung saan 10, 279 dito ay mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24 ang biktima.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,892 total views

 82,892 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 90,667 total views

 90,667 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,847 total views

 98,847 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,379 total views

 114,379 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,322 total views

 118,322 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,854 total views

 89,854 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,260 total views

 86,260 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,897 total views

 32,897 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,908 total views

 32,908 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,912 total views

 32,912 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top