Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

In-site relocation, panawagan pa rin ng Yolanda survivors

SHARE THE TRUTH

 250 total views

Nananawagan pa rin ng in-site relocation sa pamahalaan ang mga taga Sitio Alimasag, Brgy. 88 San Jose sa Tacloban City na biktima ng nagdaang Bagyong Yolanda upang maging malapit sa kanilang hanapbuhay.

Ayon kay Ofelia Casio, Presidente ng Alimasag Homeowners Association, may ibinigay sa kanila ang National Housing Authority na pabahay subalit karamihan sa kanila, hindi tumira doon dahil sa kawalan ng supply ng tubig, kuryente, malayo sa mga paaralan at malayo sa kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Casio na mas pinili nilang manatili sa kanilang lugar dahil malapit ito sa dalampasigan kung saan sila naghahanapbuhay na panghuhuli ng alimasag.

“Sa una, walang tubig at kuryente, yung tubig deliver lang twice a week, problema is tubig binigyan ng livelihood, wala silang training kaya walang nangyari sa livelihood. Nung dumalaw lang si President Duterte dun lang kami nabigyan ng supply ng tubig. Sa pagtatayo ng mga pabahay, walang consultation sa mga tao, dun sa North malayo kasi, kaya ang people’s plan na in-site relocation yan ang gusto namin kasi hanapbuhay namin andito mangingisda lahat, bawat pamilya sa pabahay kasi nila malayo, lugi sa pamasahe patungo sa mga paaralan at sa hanapbuhay,” pahayag ni Casio sa panayam ng Radio Veritas.

Sa record ng NHA, Nasa 2,500 na pamilya lamang ang nanirahan sa kanilang pabahay mula sa 14, 400 na dapat permanenteng na-relocate.

Matatandaang sa Pope Francis Village sa Tacloban City na handog ng Simbahang Katolika, nasa 550 pamilyang nasalanta ng bagyong Yolanda ang nabigyan ng pabahay.

Sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong November ng 2013, mahigit 7,000 ang nasawi at 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan na naging dahilan ng pagbisita sa bansa ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Enero ng 2015 upang personal na ipadama ang awa at habag ng Panginoon sa mga biktima.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 64,821 total views

 64,821 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 72,596 total views

 72,596 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,776 total views

 80,776 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,489 total views

 96,489 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,432 total views

 100,432 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Veritas Team

Church In Action: Nasaan ang Simbahan?

 8,389 total views

 8,389 total views Abala ang mga TVET scholar ng Don Bosco Mandaluyong sa “face shields” na panlaban sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Panganib sa pagsabog ng Taal, nananatili

 7,617 total views

 7,617 total views Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mapanganib pa rin at nanatili ang banta ng malakas na pagsabog ang bulkang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top