Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamamahagi ng lupa sa magtatapos ng Agriculture courses, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 495 total views

Suportado ng Simbahang Katolika ang programa ng Department of Agrarian Reform na pamamahagi ng lupa sa mga magtatapos ng kursong may kinalaman sa agrikultura.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, mahalagang programa ito ng gobyerno na makatutulong mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa bansa at mabawasan ang kahirapan ng mga Filipino.

“Suportado natin ang napakagandang programang ito ng DAR [Department of Agrarian Reform] sapagkat mahalaga ang sektor ng agrikultura upang malabanan ang karukhaan sa Pilipinas,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Dismayado ang pari sa kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa sapagkat ito ang pinakamahirap na sektor na dapat pinagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

Disyembre 2020 nang lagdaan ni Agrarian Secretary Bro. John Castriciones ang kautusang mabigyan ng lupa ang mga kabataang magtatapos ng kurso na may kinalaman sa agrikultura alinsunod na rin sa nasasaad sa Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law na naisabatas noong 1988.

Inihayag ni Castriciones na ito ay pagpapakita ng suporta na mas mapalago ang sektor ng agrikultura sa bansa at matiyak na may sapat na suplay ng pagkain ang bansa.

“Bibigyan natin ng lupa ang bawat agriculture graduate upang magamit at hindi masasayang ang kanilang pinag-aralan; ito rin ay paraan para mapalakas natin ang agrikultura sa ating bansa,” pahayag ng kalihim sa programang Radyo Agraryo sa Veritas846.

Sinabi ng kalihim na makatatanggap ng hanggang tatlong ektaryang lupa ang bawat kabataang magtatapos ng kursong agrikultura.

Binigyang diin naman ni Fr. Pascual na higit kinakailangan ang mga kabataang magsasaka sapagkat ito ang kinabukasan ng lipunan at mahalagang maturuan din sa pagnenegosyo o ang agripreneurs.

Batay sa pag-aaral ng DAR nasa 57-taong gulang ang average na edad ng mga magsasaka sa bansa habang kakaunti na lamang ang mga kabataang nagpapakita ng interes sa pagsasaka.

“Ang Caritas Manila, ay nagpapaaral ng halos isanlibong kabataan na kumukuha ngayon ng ‘Agri-Entrep’ para tulungang buhayin ang agri sector,” ani Fr. Pascual.

Muli namang hinikayat ng DAR ang mga diyosesis at parokya sa bansa na magtulungan sa pagsusulong ng pag-unlad sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga programa ng kagawaran.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,428 total views

 15,428 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,388 total views

 29,388 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,540 total views

 46,540 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,783 total views

 96,783 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,703 total views

 112,703 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 16,913 total views

 16,913 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top