406 total views
Tiniyak ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines ang buong suporta sa lahat ng mga programa nito.
Ito ang ibinahagi ng religious group sa Radio Veritas matapos ang pakikipagpulong sa kinatawan ng Vatican sa Pilipinas.
Inihayag ng A-M-R-S-P bukod sa pakipagkilala ni Archbishop Brown sa iba’t-ibang kongregasyon tinalakay din sa naturang tagpo ang ilang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa religious group.
“The new Apostolic Nuncio asked about the status quo of the consecrated life, including the declining number of vocations, and red-tagging, and became aware of the current situations the Catholic faithfuls are facing in the Philippines,” pahayag ng AMRSP.
Enero 19, 2021 nang bisitahin ng AMRSP Joint Executive Board si Archbishop Brown sa Apostolic Nunciature sa Taft, Manila.
Ibinahagi rin ng religious group na nakahanda ang kinatawan ni Pope Francis sa pagbisita sa mga parokya, kombento at monasteryo bilang pakikiisa ng simbahan sa bawat komunidad.
Sa tala ang AMRSP ay binubuo ng 283 congregasyon, kabilang na dito ang 68 men congregations kung saan 18 kongregasyon ay itinatag dito sa Pilipinas.