Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panahon na naman ng baha

SHARE THE TRUTH

 51,391 total views

Mga Kapanalig, kinabukasan matapos manalasa ang matinding ulan na dala ng habagat ng pinalakas ng Bagyong Carina, isinailalim sa state of calamity ang Metro Manila. 

Lumubog sa malalim na baha ang maraming lugar. Libu-libong pamilya ang sapilitang inilikas sa mga paaralang nagsilbing evacuation centers. (Kaya nagpasya ang DepEd na suspindihin muna ang pagbubukas dapat ng mga klase ngayong araw sa mga apektadong lugar.) Maraming bahay sa gilid ng mga ilog ang tinangay ng rumaragasang baha. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, pito ang naiulat na namatay sa Metro Manila matapos malunod o makuryente; kasama sila sa mahigit 20 kataong kumpirmadong namatay sa buong Luzon. Marami rin ang nasaktan at nasugatan habang inililigtas ang kanilang sarili, pamilya, at ari-arian mula sa tumataas na tubig-baha. 

Sinabi ng mga mayor na kinapanayam ng media na naghanda naman sila sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan. Marami na silang natutunan mula sa mga naging karanasan noong Bagyong Ondoy noong 2009 hanggang Bagyong Ulysses noong 2020. Nasusukat na nila ang pagbuhos ng ulan sa ibang lugar na dadaloy naman sa mga mabababang lugar. Alam na nila ang mga komunidad na unang babahain at ang mga pamilyang dapat ilikas sa mas ligtas na lugar.

Pero mukhang kahit anong paghahanda ang gawin natin, sadyang bahagi na ng ating buhay dito sa Metro Manila ang pagbaha. Ito na nga ang “new normal” sa panahon ng climate change. Alam ba ninyong ang volume ng ulang ibinuhos ng habagat noong Miyerkules ay katumbas na ng isang buwang ulan para sa buwan ng Hulyo? Kung noong Bagyong Ondoy, nasa 455 millimeters ang dami ng ulang bumuhos sa loob ng 24 oras dito sa Quezon City, nitong nakaraang pananalasa ng habagat, tumanggap ang lungsod ng nasa 461 millimeters sa loob lang din ng 24 oras. Dahil sa nagbabagong panahon, hindi na katakataka kung maladelubyong ulan na ang maranasan pa natin.

Hindi lamang climate change ang dapat isaalang-alang. Malaking sanhi rin ng malawakan at mapaminsalang pagbaha sa Metro Manila ang hindi maayos na urban planning. Kitang-kita natin iyan sa ating mga daluyan ng tubig—mula sa mga kanal sa mga bangketa hanggang sa mga esterong dinadaluyan ng tubig-ulan at tubig-baha papunta sa malalaking ilog katulad ng Marikina River at Pasig River. Makikitid na nga ang mga ito, barado pa sila ng basura. Ang mga ilog naman, mababaw na dahil sa lupang inaagos mula sa mga kalbo o pinatag nang bundok. May mga bahagi pa nga ng mga ilog, lawa, at dagat na tinatambakan para pagtayuan ng mga gusali o subdvision. Hindi rin umuubra ang mga flood control projects na ipinagmamalaki ng iba’t ibang administrasyon—kahit ng administrasyon ni PBBM na iniulat pa niya sa kanyang SONA. May malaki talaga tayong problema sa imprastraktura.

Disproportionate and unruly”—o sa Filipino, hindi pantay at hindi maayos—ang mga salitang ginamit ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Laudato Si’ para ilarawan ang paglaki ng maraming lungsod. Ganyan tayo sa Metro Manila. Banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga tao ang ganitong mga lungsod, at kitang-kita ito tuwing panahon ng tag-ulan at baha dito sa atin.

Pero, mga Kapanalig, hindi tayo nawawalan ng pag-asang magiging makatao pa rin ang ating mga lungsod. Narito ang hanapbuhay ng marami, ang mga negosyong nag-aambag sa ating ekonomiya, at ang mga oportunidad at serbisyo. Seryosohin lamang ng gobyerno—kasama ang pribadong sektor at tayo mismong mga mamamayan—ang pagsasaayos ng mga siyudad. Simulan natin sa mga daluyan ng tubig at mga nakapaligid na kabundukan. Sa ngayon, abutan natin ng tulong ang mga nasalanta at, sabi nga sa Deutoronomio 15:11, ibukas natin ang ating mga palad sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 8,061 total views

 8,061 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 15,895 total views

 15,895 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »

May katarungan ang batas

 19,850 total views

 19,850 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 34,361 total views

 34,361 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 40,478 total views

 40,478 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 8,062 total views

 8,062 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 15,896 total views

 15,896 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May katarungan ang batas

 19,851 total views

 19,851 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Filipino Voters

 34,362 total views

 34,362 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 40,479 total views

 40,479 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disinformation At Polarization

 43,203 total views

 43,203 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkamamamayang for sale?

 50,223 total views

 50,223 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kampanya na!

 45,248 total views

 45,248 total views Mga Kapanalig, nagsisimula ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo para mga pambansang posisyon. Sinong mag-aakalang may opisyal na campaign period pala? Malayung-malayo pa ang eleksyon, kaliwa’t kanan na ang mga patalastas sa TV, radyo, diyaryo, at maging sa social media ng mga pulitiko. Tadtad ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Simbahang nakikilahok

 47,550 total views

 47,550 total views Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bible Mahalaga Sa Pagbuo Ng Isang Batas

 47,073 total views

 47,073 total views KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas. Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Budgetary Banditry

 51,710 total views

 51,710 total views Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)? Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 52,986 total views

 52,986 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang online hukuman

 54,469 total views

 54,469 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan para sa katarungan

 61,566 total views

 61,566 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pag-uusap, hindi pananakot

 71,266 total views

 71,266 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top