Mamamayan, hinamon ni Archbishop Palma na manindigan sa katatagan ng pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,873 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mamamayan na manindigan para sa katatagan ng bawat pamilya at labanan ang anumang hakbang para isabatas ang diborsyo.

Ito ang binigyang diin ng arsobispo sa ginanap na ‘Yes to Marriage and Family: No to Divorce’ prayer rally campaign ng arkidiyosesis nitong July 27.

Ayon kay Archbishop Palma bagamat hindi lingid ng lipunan ang mga hamong kinakaharap ng buhay pagpapamilya nararapat din isaalang-alang ng mag-asawa ang mga magandang karanasan at bunga ng kanilang pakikipagtipan sa Diyos.

“We cannot deny nga daghang problema, but we cannot close our eyes to the many simple joys that couples experience. Dili tanang panahon naay away ug problema [hindi sa lahat ng panahon may away at problema]. We also look at the joy and beauty of family, ug angay lamang pasalamatan nato ang Diyos [kaya’t nararapat lamang na pasalamatan natin ang Diyos],” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Binigyang diin ng arsobispo na ang paninindigan ng simbahan sa usapin ay hindi sa pagiging banal kundi ito ang nararapat na gawin bilang kristiyano ang itaguyod ang pakikipagtipan ng mag-asawa sa Panginoon.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Retired Chief Justice Hilario Davide Jr. na ang pagsasabatas ng diborsyo ay pagsira sa pamilya at sa bansa batay sa isinasaad sa Section 1 Article 15 ng Saligang Batas na nagsasabing ang pamilya ang pundasyon ng isang bansa.

Kaya’t hamon ni Davide sa kapwa mananampalataya na patuloy itaguyod ang kahalagahan ng pamilya at palakasin ang pagsasama ng mga mag-asawa.

“Our Prayer Rally this afternoon is a great crusade against all and any move to destroy, demonize, and make mockery of the inviolable institution of marriage, sanctity of family, and our nation founded on family. Let us continue this crusade until absolute divorce is buried forever,” ani Davide.

Nagtipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang parokya ng arkidiyosesis kabilang na ang mga grupong nagsusulong sa kasagraduhan ng sakramenton ng kasal na naglakad mula Fuente Osmena Circle patungong Basilica Minore del Sto. Nino de Cebu.

Kasama sa mahigit 5,000 sumama sa prayer rally si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo kasama ang mga pari, religious men and women at mga seminarista ng arkidiyosesis.

Iniulat naman ni ‘Yes to Marriage, Yes to Family, No to Divorce” campaign core committee member Fr. Carmelo Diola na umabot na sa 157, 840 mga lagda ang kanilang nakalap sa buong arkidiyosesis laban sa pagsasabatas ng Absolute Divorce Act na kanyang isusumite sa Senado.

Una nang tiniyak ng simbahan ang paninindigan laban sa diborsyo makaraang katigan ito ng 131 mambabatas ng mababang kapulungan ng kongreso noong May 22.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 44,540 total reads

 44,540 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 94,481 total reads

 94,481 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 142,352 total reads

 142,352 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 246,301 total reads

 246,301 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,136 total reads

 330,136 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top