Pananaig ng moral na pananagutan at paninindigan, adhikain ng CMSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,027 total views

Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ng moral na pananagutan at paninindigan para sa katotohanan sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa pahayag ng CMSP, mariing iginiit ng samahan ng mga relihiyoso na hindi maaaring maging tahimik ang Simbahan sa harap ng patuloy na paghamon sa demokrasya at dignidad ng mahihirap.

“We cannot be neutral when the dignity of the poor is trampled. We cannot remain silent when democratic institutions are eroded,” ayon sa CMSP.

Sinabi ng CMSP na ang diwa ng EDSA ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan kundi isang patuloy na panawagan sa kasalukuyan, lalo’t nananatili ang mga suliraning panlipunan sa bansa.

“Forty years later, our nation still struggles with poverty that wounds families, corruption that steals from the poor, political dynasties that entrench power, and disinformation that distorts truth. The spirit of EDSA confronts us anew,” giit ng grupo.

Binigyang-diin ng grupo na ang pag-alala sa EDSA ay hindi dapat mauwi sa paggunita lamang, kundi maging pagkakataon ng pagbabago at pagbabalik-loob.

Tahasang tinukoy ng CMSP ang usapin ng katiwalian at pagmamanipula ng katotohanan bilang banta sa demokrasya.

“We say with clarity: when public office becomes an instrument of self-interest, it betrays its sacred trust. When corruption becomes normalized, society becomes numb to the suffering of the poor. When truth is manipulated, democracy is weakened at its roots.”

Iginiit din ng samahan na ang kanilang paninindigan ay hindi nakabatay sa partidong pulitikal kundi sa ebanghelyo at misyon ng Simbahan.

“Prophetic ministry demands that we speak — not in anger, but in truth; not in partisanship, but in fidelity to the Gospel.”

Ipinaalala ng CMSP na noong 1986, maraming relihiyoso ang personal na tumindig sa EDSA, nagdasal, nagmartsa, at humarap sa mga sundalo at tangke nang walang dalang armas kundi pananampalataya.

Ayon pa sa pahayag, ang EDSA ay hindi lamang isang pangyayaring pulitikal kundi isang malalim na karanasang espiritwal at moral para sa sambayanan.

“EDSA was not merely a political event; it was a moral awakening born of years of quiet courage, sacrifice, prayer, and solidarity.”

Ang CMSP, na dating kilala bilang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), ay muling nagpatibay ng kanilang pangako sa patuloy na paghuhubog sa konsensiya ng mamamayan na kumikilala sa katotohanan, maninindigan kasama ang mahihirap, at hahamon sa mga sistemang nagbubunsod ng kasakiman at kawalan ng katarungan.

Nanawagan ang samahan na nawa’y manaig ang katarungan at awa sa bayan, at magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino ang tapang na ipinamalas sa EDSA, hindi lamang sa panahon ng krisis kundi sa araw-araw na pagpili ng katapatan, pagkakaisa, at pananagutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 132,913 total views

 132,913 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 155,023 total views

 155,023 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 228,522 total views

 228,522 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 221,925 total views

 221,925 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top