Muling i-alay ang Pilipinas sa patnubay ng panginoon at birheng Maria-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,540 total reads

Ibinigay ng EDSA People Power Revolution sa mga Pilipino ang demokrasya upang tunay na maisulong ang katarungang panlipunan.

Binigyan diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay dapat alalahanin ng mga Pilipino ang kasaysayan at ang naging pagkakaisa ng sambayanang Pilipino sa pagtatanggol ng kalayaan at dignidad ng tao.

Inihayag ng Obispo na ang paggunita sa bloodless revolution ay hindi para sa interes ng iilan sa halip ito ay pagsasabuhay sa kahandaan ng mga Pilipino na magsakripisyo para sa bayan, katotohanan, at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“Today, we are called not only to remember but to relive those noble and praiseworthy ideals, and to renew the selfless spirit that inspired them. We must not allow thesevalues to be forgotten, distorted, or used to advance personal ambitions. Public office is a sacred trust. Authority must never be abused or misused for personal enrichment, but exercised with integrity, accountability, and genuine service to the common good,” mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa Obispo, ang EDSA People Power Movement ay higit pa sa isang pampulitikang kasaysayan, ito ay isang moral at espiritwal na kaganapan at patunay ng kapangyarihan ng pananampalataya, mapayapang pakikibaka, at pagkakaisa.

Isa rin itong malinaw na pagpapakita na ang katotohanan ay mas malakas kaysa karahasan at ang pagmamahal sa bayan ay dapat mangibabaw kaysa pansariling pakinabang.

“May this milestone lead us to renewal—renewal of conscience, renewal of institutions, and renewal of our commitment to truth and justice. Where there has been wrongdoing, may there be accountability. Where there has been loss, may there be restitution and reparation, Let us once again turn to prayer, entrusting our nation to the guidance of God. May the spirit of EDSA live on—not only in memory, but in our daily choices, our public life, and our unwavering commitment to a just, humane, and faithful Philippines,” ayon pa sa mensahe na pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Obispo na hindi lamang alaala ang dapat ibigay sa pagdiriwang na ito kundi muling pagsasabuhay ng diwa na nagbigay inspirasyon sa buong mundo ng mapayapang rebolusyon.

Hinikayat ni Bishop Santos ang lahat na muling manalangin at ialay ang bansa sa patnubay ng Diyos upang manatili ang diwa ng EDSA sa ating pang-araw-araw na buhay at sa ating walang kapantay na pagtangkilik sa isang makatarungan, makatao, at tapat na Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,078 total reads

 77,078 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,819 total reads

 111,819 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,119 total reads

 147,119 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,388 total reads

 373,388 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,612 total reads

 262,612 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top