Malabnaw na imbestigasyon sa anumalya sa flood control projects, kinuwestiyon ni Archbishop Valles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,343 total reads

Hinamon ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga lider ng pamahalaan na magbigay ng malinaw at kapani-paniwalang paliwanag kaugnay sa mga alegasyon ng katiwalian at iregularidad sa pamahalaan.

Ito ang mensahe ng arsobispo kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang pastoral statement na may pamagat na “Disturb Us, Lord,” tahasang inilahad ng arsobispo ang mga katanungan hinggil sa pananagutan ng mga nasa kapangyarihan.

“What clear and credible explanations have been offered regarding allegations of misconduct at the highest levels of leadership?” ayon kay Archbishop Valles.

Kinuwestiyon din ng arsobispo ang resulta ng mga isinagawang imbestigasyon ng Kongreso hinggil sa mga anomalya at malawakang korapsyon.

Dismayado ang pastol na pawang maliliit na mga opisyal lang ang napagbabalingan sa halip na pananagutin ang mga sangkot na matataas na lider.

“Where are the concrete outcomes of legislative investigations conducted by the House of Representatives and the Senate concerning alleged anomalies in infrastructure projects? Why do inquiries appear to hold only minor officials accountable, when systemic wrongdoing suggests responsibility at higher levels?” ani ng arsobispo.

Binanggit din ng arsobispo ang mga ulat ng iregularidad sa 2025 national budget, partikular sa mga flood control projects, at ang pagkaantala sa pagpapalabas ng mahahalagang impormasyon sa publiko.

Ayon kay Archbishop Valles, may pagkakatulad ang kasalukuyang sitwasyon sa mga panahong nagbunsod sa makasaysayang pag-aalsa noong 1986.

“As in the years preceding the 1986 EDSA Revolution, we once again witness troubling realities in our national life: the erosion of rights, deception in public discourse, and the misuse of public funds,” giit ng arsobispo

Binigyang-diin din ng arsobispo na higit pa sa usaping pampulitika at pang-ekonomiya ang kinahaharap ng bansa.

“Beyond political and economic concerns lies a deeper and more dangerous crisis — a crisis of morality,” saad ni Archbishop Valles.

Ipinaliwanag ng arsobispo ang pagkakaroon ng “moral fatigue” kung saan napapagod ang mamamayan sa paulit-ulit na pagharap sa katiwalian hanggang sa humina ang paninindigan para sa katotohanan.

“There is a danger that resignation may replace vigilance, and silence may take the place of moral courage.”

Nanawagan si Archbishop Valles ng panibagong paggising ng diwa ng People Power na nakaugat sa pananampalataya at integridad.

“We pray that the genuine Power of the People may once again be awakened — not in anger or division, but in courage, integrity, and a renewed commitment to honest and responsible governance.”

Kasabay ng pagpasok sa panahon ng Kuwaresma, hinimok ng arsobispo ang mga mananampalataya na magsimula ng pagbabago sa sarili at palakasin ang paninindigan para sa katotohanan, transparency, accountability at kabutihang panlahat.

Bilang konkretong hakbang, tiniyak ng arkidiyosesis ang pagpapatibay ng political at civic education sa mga parokya at institusyon, mas masusing pagbabantay sa paggamit ng pondo ng bayan, at pakikipagtulungan sa mga grupong nagtataguyod ng integridad at reporma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,316 total reads

 78,316 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,965 total reads

 112,965 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,265 total reads

 148,265 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 374,534 total reads

 374,534 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,708 total reads

 263,708 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top