Ipaglaban ang karapatan, katotohanan at pananagutan, apela ng ATM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,285 total reads

Nanindigan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) na nananatiling buhay ang diwa ng People Power sa gitna ng panawagan para sa pananagutan, katarungan at pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa grupo, apat na dekada matapos ang makasaysayan at mapayapang pagkakaisa ng taumbayan noong 1986, muling nasasaksihan ng taumbayan ang malawakang pandarambong sa ekonomiya at likas-yaman ng bansa.

Iginiit ng ATM na sa halip na ganap na kalayaan at kaunlaran, nananatili ang mabigat na utang ng bansa, malawak na kahirapan, patuloy na pagkasira ng kalikasan, at paglabag sa karapatang pantao—lalo na sa mga pamayanang apektado ng pagmimina.

“Alyansa Tigil Mina (ATM) joins thousands of Filipinos marching in the streets today to demand accountability from corrupt government officials and their private sector cohorts,” pahayag ng ATM.

Binigyang-diin din ng grupo ang pagpasa ng panukalang batas laban sa political dynasty upang maiwasan ang pagkakatuon ng kapangyarihan sa iilang pamilya, kabilang ang mga iniuugnay sa mga usapin sa mga pampublikong proyekto tulad ng maanomalyang flood control projects.

Binatikos ng ATM ang agresibong pagsusulong ng malakihang pagmimina sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng matinding pagtutol ng mga lokal na komunidad.

Paliwanag ng grupo na dahil sa pagkiling ng pamahalaan sa mga kumpanya ng pagmimina at sa pagsasantabi sa hinaing ng mga apektadong mamamayan, napipilitan ang ilan na maglunsad ng mga kilos-protesta at magtayo ng mga barikada upang pigilan ang mapaminsalang operasyon at pagpasok ng mabibigat na kagamitan sa kanilang lugar.

“Indeed, the assertion of their democratic rights is justly exercised by marginalized communities that have long suffered government neglect. The vibrant spirit of the people’s power lives on,” ayon sa grupo.

Sa paggunita ng anibersaryo ng EDSA, hinimok ng grupo ang publiko na patuloy na ipaglaban ang dignidad, karapatan, katotohanan at pananagutan.

Anila, ang demokrasya at kalayaang dapat ay napakinabangan na ng mamamayan matapos ang EDSA ay nararapat igiit at isabuhay sa kasalukuyan upang maitaguyod ang malalim at pangmatagalang pagbabago sa araw-araw na pamumuhay.

“Let us not waver in our collective struggle for truth and accountability, social justice and human rights, and an empowering and progressive society for the next generations,” ayon sa ATM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,216 total reads

 21,216 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,705 total reads

 58,705 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,916 total reads

 76,916 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,244 total reads

 161,244 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,618 total reads

 197,618 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,440 total reads

 80,440 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top