Pananagutan at transparency, panawagan ng Philippine Carmelites sa ika-40 anibersaryo ng EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,817 total reads

Nanawagan ang Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma (O.Carm.) ng pananagutan at transparency sa pamahalaan kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa inilabas na pahayag grupo na kasalukuyang nagtitipon para sa kanilang ika-limang Provincial Chapter, binigyang-diin nito ang kahalagahan sa patuloy na paninindigan para sa katotohanan at katarungan lalo na sa mga lider ng pamahalaan.

“With this, we join the call for accountability and transparency in government and an end to the self-perpetuating scourge of political dynasties,” ayon sa pahayag ng Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma (O.Carm.).

Ayon sa mga misyonerong Karmelo, hindi maaaring ihiwalay ang paggunita sa EDSA sa kasalukuyang kalagayan ng bansa lalo na sa usapin ng katiwalian.

Iginiit ng mga Karmelo na lubhang nakababahala ang kasalukuyang kalagayan ng bansa kasunod ng mga nabubunyag na multi-trillion-peso corruption na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng bayan.

“The wave of corruption scandals sweeping our country has exposed a troubling absence of integrity and accountability among the very leaders entrusted with guiding the nation and safeguarding its most vulnerable communities,” giit ng mga Karmelo.

Binigyang-diin ng kongregasyon na bilang mga tagasunod ng tradisyong maka-propeta ni San Elias at ng mapagnilay na buhay ni Maria, at bilang tagapagmana ng paninindigan para sa katotohanan ni San Titus Brandsma, muli nilang pinagtitibay ang pakikiisa sa taumbayan.

“We commit ourselves to journeying with the Filipino masses who continue to suffer from a culture of greed and indifference fostered by corrupt government officials,” giit ng kongregasyon.

Inalala rin ng kongregasyon ang kanilang pakikiisa sa mamamayan noong panahon ng batas militar at sa makasaysayang 1986 EDSA People Power Revolution.

Ayon sa mga misyonero magpapatuloy ang kanilang paninindigan laban sa anumang uri ng katiwalian at mariing isulong ang pagkalinga sa mga dukha at mahihinang sektor ng lipunan.

“Just as we stood by the poor and oppressed during the dark years of martial law under Ferdinand Marcos Sr. and were present with the masses that assembled for the historic 1986 EDSA People Power Revolution, which we commemorate today, we renew our resolve to reject corruption in all its forms and to remain in solidarity with the struggling masses,” anila.

Dagdag pa ng mga Karmelo nananatiling hamon ang pagpapalalim ng demokrasya sa bansa.

“We recognize that democracy is a work in progress, and we will continue to offer ourselves as vessels of hope in prayer and in action…” pahayag pa ng kongregasyon.

Tiniyak ng Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma (O.Carm.) ang patuloy na pakikinig sa tinig ng mga nasa laylayan ng lipunan kabilang ang mga katutubo, magsasaka, manggagawa, biktima ng paglabag sa karapatang pantao at mga migranteng Pilipino na nakararanas ng iba’t ibang uri ng paghihirap.

Sa pagdiriwang ng ika-40 taon ng EDSA, muling iginiit ng mga misyonero ang panawagan para sa katarungan, katapatan at tunay na paglilingkod sa bayan, kalakip ang panalangin na manaig ang hustisya at kapayapaan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,014 total reads

 20,014 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,638 total reads

 57,638 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 75,849 total reads

 75,849 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,177 total reads

 160,177 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,606 total reads

 196,606 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,667 total reads

 2,667 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top