Panatilihing buhay ang pag-asa, paalala ni Bishop Vergara sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 413 total views

Inihayag ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na nananatiling buhay ang pag-asa sa gitna ng mga krisis at kaguluhang nangyayari sa mundo.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Easter Vigil sa Pasig Cathedral.

Sa kanyang homiliya, iniuugnay ni Bishop Vergara ang mensahe ng muling pagkabuhay ni Hesus sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo, partikular sa digmaan sa Middle East.

“Anuman ang mangyari, may awa ang Diyos. Anuman ang dinadaanan nating krisis sa buhay, may pag-asa… Sa Iran, sa Israel… may mga libingang may laman… hindi lang daan-daan kundi libu-libu ang pumanaw,” ayon kay Bishop Vergara.

Lubhang ikinalungkot ng obispo ang mga karahasan at nagpahayag ng dalamhati sa patuloy na digmaan at pagkasawi ng maraming buhay.

Gayunpaman, iginiit ni Bishop Vergara na ang muling pagkabuhay ni Kristo ang pinagmumulan ng pag-asa ng sangkatauhan.

Ipinaalala ng obispo na ang liwanag ng Pasko ng Pagkabuhay ay sumasagisag sa tagumpay laban sa kadiliman.

“Naniniwala tayo… na matatapos din ang lahat ng ’yan. Naniniwala tayo na maghahari ang kapayapaan. Kahit sa kadiliman, matingkad ang liwanag… nagtagumpay si Jesus,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Vergara na sa muling pagkabuhay ni Hesus, nagkakaroon ng katiyakan ang mga mananampalataya na malalampasan ang anumang pagsubok.

“Dahil si Jesus ay muling nabuhay, anumang pagdurusa ay malalampasan natin,” saad ng obispo.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagbabahagi at paglilingkod sa kapwa.

Inihayag ng pastol na ang maliit na liwanag na tangan ng bawat isa ay paalala ng patuloy na pag-asa kay Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 98,542 total views

 98,542 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 98,542 total views

 98,542 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 98,542 total views

 98,542 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 95,623 total views

 95,623 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 87,329 total views

 87,329 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top