Pasko ng pagkabuhay ay apela sa magkakatunggali na wakasan na ang hidwaan-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,841 total reads

Umapela si Manila Archbishop Jose Advincula ng agarang pagtigil ng digmaan sa mundo, kasabay ng matinding panawagan laban sa kawalang pakialam ng lipunan.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, muling nanawagan ang arsobispo sa mga magkatunggaling panig na wakasan na ang mga karahasan.

Ayon sa kardinal, nararapat na matigil na ang mga karahasang patuloy na nagdudulot ng matinding pagdurusa sa sangkatauhan.

“Together with our Holy Father, Pope Leo XIV, I call for an end to this senseless war that has brought nothing but suffering and destruction,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din nito na ang diwa ng Pasko ng Pagkabuhay ay hindi lamang pagdiriwang, kundi panawagan ng pagkilos laban sa kasamaan sa lipunan.

“Easter is a summons to all peoples to reject the ‘globalization of indifference’ and the normalization of genocide,” ani ng kardinal.

Iginiit ni Cardinal Advincula na ang epekto ng digmaan ay hindi lamang nararamdaman sa mga bansang direktang apektado, kundi maging sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan sa buong mundo, lalo’t nararamdaman ang pang-ekonomiyang krisis lalo na sa mga mahihirap na bansa.

“This international conflict has brought immense suffering to all of us—from inflation and economic hardship to severe mental and emotional anguish,” dagdag pa ng arsobispo.

Kasabay nito, nanawagan ang kardinal ng pananagutan at katarungan sa pamamahala, lalo na sa gitna ng patuloy na paghihirap ng mamamayan.

“I appeal for accountability, for the relentless pursuit of justice in public governance, and for more urgent action to alleviate the agony of our people,” saad ni Cardinal Advincula.

Ipinaalala rin nito na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay sumasagisag sa paninindigan laban sa kasamaan at kawalan ng pag-asa.

“The Resurrection of Jesus is the most subversive and revolutionary message of Christianity… a call to resistance,” ayon sa kardinal.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na isabuhay ang tunay na diwa ng Pasko ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pagkilos para sa kabutihan, katarungan at pag-asa.

Umaasa ang arsobispo na hindi lamang mananatili sa mga ritwal tulad ng Salubong at iba pang mga pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus kundi nararapat na maipahayag ang diwa ng pagtatagumpay ni Hesus sa dilim ng kamatayan tungo sa liwanag ng pag-asa at buhay na walang hanggan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 10,926 total reads

 10,926 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,192 total reads

 239,192 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,658 total reads

 132,658 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,687 total reads

 226,687 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,491 total reads

 270,491 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top