6-milyong debotoi na nakiisa sa Alay Lakad sa Antipolo, pinasalamatan ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,083 total reads

Kinilala at pinasasalamatan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mahigit anim na milyong debotong nakiisa sa taunang Alay Lakad sa Antipolo.

Ayon sa obispo ang pagbubuklod ng mga deboto sa tradisyon tuwing Huwebes Santo ng gabi ay malinaw na tanda ng matatag at buhay na pananampalataya ng mga Pilipino.

“An estimated 6,082,234 pilgrims took part in this sacred journey. What a powerful testament to the living faith of our people!” ayon kay Bishop Santos.

Batay sa ulat ng Philippine National Police at pamahalaang panlalawigan, naging maayos, mapayapa, at disiplinado ang isinagawang paglalakbay ng mga mananampalataya patungo sa pa daigdigang dambana ng Mahal na Birhen sa Antipolo.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na kasalukuyang kura paroko ng dambana ang pagtalima ng mga deboto sa mga panwagang kaayusan ng pagtitipon.

“There were no untoward incidents, no reports of lost belongings, and cleanliness was faithfully observed. These are not small things; they are signs of a people deeply formed by faith and guided by love “ ani Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng Obispo na higit pa sa tradisyon ang naturang gawain, kundi isang konkretong pagsasabuhay ng pananampalataya.

“Together, you have shown that faith is not only professed in prayer but lived through responsible action and care for one another,” giit ni Bishop Santos.

Inilarawan din ng obispo ang Alay Lakad bilang isang malalim na pagpapakita ng debosyon sa Mahal na Birhen.

Sinabi ni Bishop Santos na ang naging daloy ng pilgrimage ay sumasalamin sa tunay na pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino bilang mga mananampalataya.

“We have shown our true face as a people: obedient, respectful, and loving children, walking together in faith toward our Mother,” dagdag ng obispo.

Pinasalamatan din ng Obispo ang lahat ng sektor na nakiisa sa matagumpay na pagdaraos ng gawain; ang mga deboto, volunteers, religious leaders, at mga ahensya ng pamahalaan na nagkaisa upang maipamalas ang disiplina, malasakit, at pananampalataya.

“From the depths of my heart, I thank each one of you—pilgrims, organizers, volunteers, and our partners in government and public service—for your dedication and commitment,” saad ni Bishop Santos.

Hiniling naman ng Obispo ang patuloy na paggabay at proteksyon ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa lahat ng mananampalataya, kasabay ng panalangin na gantimpalaan ng Diyos ang kanilang mga sakripisyo ng masaganang biyaya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 97,520 total reads

 97,520 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 134,307 total reads

 134,307 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 164,881 total reads

 164,881 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 213,779 total reads

 213,779 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 275,372 total reads

 275,372 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top