Parokya hindi isang kapangyarihan, babala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,343 total views

Mariing iginiit ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang parokya ay hindi dapat ituring na kapangyarihan, pag-aari, o pribilehiyo ng sinuman, maging ng mga pari, kundi isang larangan ng tapat na paglilingkod.

Sa kanyang homiliya sa Misa ng Krisma sa Antipolo Cathedral, binigyang-diin ng obispo ang malinaw na paalala sa mga pari hinggil sa pagtupad ng kanilang misyon sa bawat parokya na kanilang mapupuntahan.

“The parish is not our power. The parish is not our personal property. The parish is not our privilege,” ayon kay Bishop
Santos. Ayon sa obispo, ang pagtatalaga sa parokya ay hindi para sa pansariling interes kundi upang ipagpatuloy ang misyon ni

Kristo sa paglilingkod sa sambayanan. Babala ni Bishop Santos laban sa anumang anyo ng pag-aangkin sa mga simbahan at iginiit na ang parokya ay hindi dapat para sa pansariling kapakinabangan sapagkat ito ay ipinagkatiwala lamang sa pangangalaga at misyong pagpapastol.

“The parish is not our possession. It is not our piggy bank,” giit pa ni Santos. Hiling ng pastol na pagbutihin ang paglilingkod sa mga parokya, kabilang na ang maayos na pagkilos, pananalita, at
pakikitungo sa nasasakupang kawan. Hinimok din ni Bishop Santos ang mga pari na yakapin ang diwa ng pagsunod at kahandaang tumugon sa tawag ng
paglilipat saan mang lugar sila itatalaga. “Kung darating sa atin na tayo rin ay ilipat… atin pong tatanggapin sapagkat iyan ang ating sinumpaan,” saad ni Bishop
Santos.

Ipinaalala ni Bishop Santos na ang misyon ng Simbahan ay hindi pananatili kundi pag-alis upang ipahayag ang Mabuting
Balita.

Tinuligsa rin ng obispo ang labis na pagkiling sa kaginhawaan at pansariling kapakanan sa paglilingkod. “Sa parokya ay pagpapakasakit, hindi pagpapasarap… pagmamalasakit, at hindi pamamasyal,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin din ng obispo na ang tunay na yaman ng Simbahan ay hindi materyal kundi espiritwal sapagkat ito ay ang
Panginoong Jesus sa Santisimo Sakramento. Paliwanag pa ng obispo na ang parokya ay mismong sambayanan ng Diyos, ang mga taong bumubuo ng pamayanan.

Panawagan ng obispo sa mga pari at mananampalataya na ituon ang lahat ng gawain hindi sa sarili kundi para sa Diyos at sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 41,593 total views

 41,593 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 64,752 total views

 64,752 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 86,026 total views

 86,026 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 254,595 total views

 254,595 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top