Panawagan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas; Manindigan para sa pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427 total reads

Nanindigan ang Sangguniang Layko ng Pilipinas na kailangang lalo pang pagtibayin ang pananampalataya ng mga Katolikong Filipino na humaharap ngayon sa pagsubok.

Ayon kay Marita Wasan, Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, ang mga nagaganap na kaguluhan sa lipunan gaya ng extrajudicial killings, karahasan, at iba pang pagpatay ang mga dahilan kung bakit mas kinakailangang manalangin ng mga Filipino.

Giit ni Wasan ang mga ganitong pagkakataon din ang nagpapakita kung bakit mas kinakailangang magpunta sa simbahan ng mga mananampalataya.

“Nakikita ko kasi yung EJK killings ay hindi nagbibigay ng mabuting future para sa bawat pamilyang Filipino na naging biktima ng pagpatay, violence, mga kasinungalingan na ginagawa ng pamahalaan. It’s more reason for us to pray, it’s more reason for us to go to church and ask the Lord for conversion,” bahagi ng pahayag ni Wasan sa Radyo Veritas.

Ayon pa kay Wasan, marahil naging pangulo ng Pilipinas si Duterte upang lalo pang maging malapit sa Panginoon ang mga Filipino.

Naniniwala si Wasan na sa ganitong pagkakataon ay kinakailangang magkaisa ang lahat ng tao upang itaguyod ang buhay, maging madasalin, at kumapit sa pag-asang mula sa Panginoon.

Binigyan diin pa ni Wasan; “Siguro dapat talaga na maging mas prayerful tayo para mas maramdaman natin ang Panginoon sa buhay natin at hindi mangyari ang mga pangyayaring ganito. Lahat kami sa Sangguniang Layko ng Pilipinas ay parang dinudurog ang puso sapagkat alam namin na ang buhay ay mahalaga, ang bawat tao ay may dignidad na unti-unting inaalis.”

Matatandaang sa isang pahayag na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hinimok nito ang mga Filipino na huwag nang magpunta sa simbahan at sa halip ay manalangin na lamang sa kani-kanilang bahay ang bawat Filipino.

Naninindigan ang simbahan kasama ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa kahalagahan ng pagpunta sa mga simbahan at pagdalo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya bilang pinaka mataas na paraan ng pananalangin, at pagpapasalamat sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 8,454 total reads

 8,454 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 32,634 total reads

 32,634 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 113,288 total reads

 113,288 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 215,016 total reads

 215,016 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 251,422 total reads

 251,422 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 370,421 total reads

 370,421 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top