Mananampalataya ng Eastern Samar, nananabik na sa pagbabalik ng Balangiga bells

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total reads

Magandang pagkakataon ang nakatakdang pagbabalik ng mga kampana sa Balangiga Eastern Samar.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, bahagi ng pananampalataya ng mga tao sa lugar ang mga kampana sapagkat ginagamit ito sa mga liturhikal na pagdiriwang ng Simbahang Katolika.

“Ang bell kasi related yan sa mga tao kasi ginagamit yan sa pagtawag sa mga mananampalataya para sa misa and other religious activities sa Simbahan lalo na sa Banal na Eukaristiya,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Dahil dito, nananabik ang mananampalataya ng Eastern Samar na muling mailuklok ang mga kampana sa St. Lawrence the Martyr Parish sa Balangiga makalipas ang 117 taon nang kunin ito ng mga sundalong Amerikano.

Sa kasalukuyan ay naghihintay ang Diocese ng Borongan ng pinal na kautusan mula sa Department of National Defense para sa pormal na pagbabalik ng Balangiga Bells.

Nakadadagdag sa pananabik ng mga tao dahil batay sa ulat ibabalik ang mga kampana sa ika – 15 ng Disyembre o bago magsimula ang mga Misa de Gallo ang siyam na araw na paghahanda sa kapanganakan ng ating Manunubos.

Kaugnay dito pinaalalahanan ni Bishop Varquez ang mananampalataya na ang panahon ng Adbiyento ay pagkakataong ihanda ang mga sarili lalo na ang ispirituwal na aspeto upang maging ganap na kaaya-aya sa pakikibahagi sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Samantala, nagpasalamat si Bishop Varquez sa lahat ng mga taong nagsusumikap upang maibalik ang mga kampana ng Balangiga sa Simbahan.

“We are grateful sa mga tao, marami kasi ang naglobby for the return of the bell, sa tulong nila at sa ating lahat na nagdasal at gumawa ng mga paraan maibalik ang bell dito sa Balangiga,” pahayag ng Obispo.

Magugunitang tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagdating ng mga kampana mula Amerika sa ika – 11 ng Disyembre sa Villamor Airbase.

Ayon sa kalihim ang pagbabalik sa Balangiga Bells ang magsilbing palatandaan at pagbibigay parangal sa mga nasawing indibidwal noong 1901 sa digmaan ng Pilipinas at Amerika.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 20,085 total reads

 20,085 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 3,501 total reads

 3,501 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 41,990 total reads

 41,990 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 143,812 total reads

 143,812 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 184,370 total reads

 184,370 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 204,670 total reads

 204,670 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top