Alalahanin ang mga bilanggo ngayong Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total reads

Hinamon ni Caritas Manila Restorative Justice Ministry Coordinator, Sr. Zeny Cabrera, ang mga kabataan na abutin ang kapwa nila kabataang naligaw ng landas.

Naniniwala si Sr. Cabrera na mas magiging epektibo ang paggabay sa mga kabataan kung ang kapwa nila ang magpapakita ng mabuting halimbawa na maaaring tularan.

Dagdag pa nito, makabubuti rin kung minsan na nagmumula sa ka-edad ng mga kabataan ang nagbibigay ng payo at paggabay partikular na sa mga kabataang nasa detention centers.

“Ang mga youth natin sa iba’t-ibang parokya, iba’t-ibang komunidad, we can encourage them na marami silang magagawa para makapagbigay sila ng magandang impluwensya para sa mga kabataan, lalo na yung mga kabataan na naliligaw ng landas.” pahayag ni Sr. Cabrera sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan din ang madre sa mga mananampalataya na maging mapagbigay at bukas ang pagtanggap sa mga taong nagkasala.

Sinabi nito na sa kabila ng pagkakasala ay pinagsusumikapan ng mga bilanggo na magbago at makabalik sa tuwid na pamumuhay.

Dahil dito, mahalagang tulungan sila ng komunidad na nasa labas ng kulungan.

Hinikayat ng madre ang mga mananampalataya na magbahagi ng anumang bagay maliit man o malaki sa mga bilanggo at maging sa pamilya ng mga ito.

Ayon sa Madre, maaaring makipagtuungan sa Restorative Justice Ministry ng mga simbahan upang magpaabot ng tulong o munting regalo sa mga bilanggo at sa mga pamilya nito ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

“Sana alalahanin natin sila magbahagi tayo ng anumang maibabahagi lalong-lalo na sa mga bata na syempre katulad ng ibang bata gusto nilang meron silang pinagsasaluhan, meron silang tinatanggap so isama natin sila sa ating budget maliit o malaki man.” Dagdag pa ng Madre.

Sa katuruan ng Simbahan, sinasabing ang mga bilangguan ay pansamantalang yugto lamang para sa buhay ng mga taong nagkasala sa lipunan dahil nararapat itong maging daan upang muling manumbalik ang kabutihan ng puso at moral na pamumuhay ng mga taong naligaw ng landas.

Sa huling tala ng Bureau of Corrections ngayong Oktubre 2018 umabot na sa 44,531 ang bilang ng mga bilanggo sa buong bansa.

Tinatayang 131 porsyento ang lumabas na congestion rate sa kabuuan ng mga bilangguan sa Pilipinas.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 19,564 total reads

 19,564 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 580 total reads

 580 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 41,147 total reads

 41,147 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 69,252 total reads

 69,252 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 117,517 total reads

 117,517 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 139,576 total reads

 139,576 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 25,356 total reads

 25,356 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 18,294 total reads

 18,294 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top