VeritasPH

The Word, The Truth

Katarungan para kay Father Paez, hiling ng Simbahan sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 163 total views

Nananawagan ng katarungan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga nasawing indibidwal dahil sa pagtulong sa mga naisasantabing sektor ng lipunan.

Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, hindi pa rin nakakamit ni Rev. Fr. Marcelito Paez ang katarungan isang taon makalipas itong paslangin ng mga hindi nakikilalang salarin noong ika – 4 ng Diyembre sa Lambakin, Jaen, Nueva Ecija.

“Ang panawagan natin hindi lang para kay Fr. Tito kundi sa lahat ng mga nagtatrabaho especially for those working for the poorest of the poor,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Nag-alay ng misa ang Diyosesis ng San Jose bilang pag-alala sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng Pari kung saan dinaluhan ng mahigit sa 30 mga Pari at Obispo kasama ang ilang tagasuporta ni Fr. Paez.

Batay sa huling impormasyong nakuha ni Bishop Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na minamanmanan si Fr. Paez noong dinalaw nito sa kulungan ang isang political prisoner upang asikasuhin ang paglaya nito.

RED TAGGING

Ikinabahala ni Bishop Mallari ang hakbang ng pamahalaan na ibilang sa hanay ng makakaliwang grupo ang mga grupo at institusyon tulad ng Simbahang Katolika na lumilingap sa mga nangangailangan sa lipunan.

Aniya, hindi ito makatarungan sapagkat gampanin ng Simbahan ang kalingain at arugain ang mga mahihirap bilang pagsunod sa misyon ni Hesus na kinakanlong ang mga napapabayaan sa pamayanan.

“Tayo sa Simbahan we are serving to everybody especially the poorest of the poor, we cannot close our door to them kasi kasama natin silang mga kapatid na nangangailangan,” ani ni Bishop Mallari.

Ikinatuwa noon ng Obispo na may mga kinatawan ang ilang makakaliwang grupo sa Kongreso at Gabinete ng administrasyong Duterte na unti-unti ring tinatanggal at ngayon ay tinutugis kasabay ng desisyong ihinto ang usapang pangkapayapaan.

Umaasa si Bishop Mallari na tulad sa ibang mga bansa mabigyang pagkakataon ang iba’t ibang panig sa isang dayalogo upang mapag-usapan ang mga hindi pagkakasundo at pagkakaiba ng pananaw sa iba’t ibang mga usapin.

Si Fr. Paez ang unang biktima sa tatlong paring nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa tala naman ng Pontifical Institute for Foreign Missions (PIME) mula administrasyong Marcos hanggang administrasyon ni dating pangulong Benigno Aquino III umabot sa 13 Pari ang biktima ng pamamaslang bukod pa dito ang kaso nina Fr. Marcelito Paez, Fr. Mark Anthony Ventura at Fr. Richmond Nilo habang nakaligtas naman sa tangkang pagpatay si Rev. Fr. Rey Urmeneta ng Diocese ng San Pablo na binaril noong ika – 6 ng Hunyo sa Calamba Laguna.

Dahil dito hinimok ni Bishop Mallari ang mananampalataya na bigyang pansin ang mga nangyayari sa kapaligiran at magkaisang manalangin sa Panginoon upang gabayan sa lahat ng panahon.

“Ngayong adbiyento we especially sa Catholic Church we call on everybody na talagang magising yung malasakit natin sa nangyayari sa kapaligiran natin, dun sa mga bagay na nakalulungkot, We pray come Lord Jesus, yun bang dumating sana ang Panginoon sa gitna ng mga sitwasyong nakalulungkot.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 14,237 total views

 14,237 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 22,282 total views

 22,282 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 27,362 total views

 27,362 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 33,068 total views

 33,068 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 41,856 total views

 41,856 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 2,778 total views

 2,778 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 2,786 total views

 2,786 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 3,338 total views

 3,338 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 3,370 total views

 3,370 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 4,412 total views

 4,412 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 4,553 total views

 4,553 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 4,560 total views

 4,560 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 4,864 total views

 4,864 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 7,243 total views

 7,243 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 7,759 total views

 7,759 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 8,474 total views

 8,474 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 11,312 total views

 11,312 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 13,096 total views

 13,096 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Virac, sisikaping maging daluyan ng biyaya ng panginoon

 13,658 total views

 13,658 total views Tiniyak ng bagong obispo ng Diocese of Virac na gagampanin ang panibagong misyong kakaraharapin sa pagpapastol sa humigit kumulang 300-libong kawan sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay Bishop Luisito Occiano hango sa kanyang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ sisikapin nitong itaguyod at palaguin ang pananampalataya ng nasasakupang kawan at ipadama ang habag

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kaparian, pinaalalahanan sa paggamit ng kapangyarihan

 13,520 total views

 13,520 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari lalo na ang mission directors na maging maingat sa paggamit ng kapangyarihang kaakibat sa pagtalagang tagapangasiwa sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga. Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairperson, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pagbukas ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top