Pang-21 parokya sa Bohol, kinilala bilang Important Cultural Property

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,900 total views

Tiniyak ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagpapaigting sa pangangalaga ng mga lumang simbahan sa Bohol kasabay ng pagpapalago sa pananampalataya ng nasasakupan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagsapubliko ng tanda bilang Important Cultural Property ng pamahalaan sa Sto. Nino Parish sa Valencia Bohol noong September 3.

“I am filled with gratitude for this recognition as it strengthens to continue nurturing and promoting the spiritual and cultural heritage embodied within the walls of the Sto. Nino Parish; With this declaration of its value as a National Cultural Heritage, ensure its preservation and safeguarding for future generations,” pahayag ni Bishop Uy.

October 11, 2018 ideneklara ng National Museum of the Philippines ang simbahan at kombento bilang Important Cultural Property dahil sa natatanging disenyo nito taglay ang flooring design na gawa sa Balayong na isang uri ng kahoy na nanganganib ng maubos dahil sa illegal logging gayundin ang Molave tree.

Ginanap ang unveiling ng marker kasabay ng pagdiriwang sa ika-152 anibersaryo ng pagkakatatag ng parokya.

Bukod kay Bishop Uy kabilang din sa dumalo ang mga opisyal ng National Museum sa pangunguna ni Rachelle Lacea ng NMP Bohol, Valencia Mayor Dionisio Balite at Fr. Efren Dolauta ang kura paroko ng simbahan.

Ayon sa tala ng National Commission for Culture and the Arts sa mahigit 100 simbahan sa bansa na ideneklarang National Cultural Treasures, Important Cultural Properties, at National Historical Landmarks, 21 sa mga ito ay mula sa Bohol.

Sa naganap na 7.2 magnitude na lindol noong October 2013 ay napinsala ang mahigit sampung lumang simbahan sa lalawigan na ipinakumpuni ng pamahalaan lalo’t bahagi ang mga ito sa kasaysayan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 82,589 total views

 82,589 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 104,699 total views

 104,699 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 179,771 total views

 179,771 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 177,582 total views

 177,582 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top