Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangalagaan ang kalikasan, panawagan ng Apostolic Nuncio to the Philippines sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 2,666 total views

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mananampalataya na isabuhay ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan ang kalikasan.

Sa pagninilay ng nuncio sa isinagawang Popes Day mass sa Manila Cathedral binigyang diin nito ang pagkakaugnay ng ‘moral and environmental beauty’ kung saan tungkulin ng bawat kristiyano ang pagtataguyod sa kalikasan. Sinabi ng arsobispo na gampanin ng mamamayan ang igalang ang nilikha ng Diyos sapagkat ito ay kaloob sa sanlibutan.

“We’re also called to respect the beauty of God’s creation around us in nature; we cannot fail to be concerned when we see environmental degradation around us,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Binigyang diin ng nuncio ang mabubuting halimbawa ni St. Francis sa pangangalaga ng kapaligiran na naging inspirasyon ng Santo Papa sa paglikha sa ensiklikal na Laudato Si.

Paliwanag pa nito na inilalarawan sa Salita ng Diyos ang kagandahan ng mundo na nilikha ng Panginoon at ang kabutihan ng Diyos sa sangkatauhan.

“Scripture invites us to see nature as a magnificent book in which God speaks to us and grants us a glimpse of His infinite beauty and goodness,” ani ng arsobispo.

Bukod dito binigyang pansin din ni Archbishop Brown ang mga dakilang gawa nina Apostol San Pedro at San Pablo sa pagsasabuhay sa mga turo ni Hesus at naging mabuting halimbawa ng mamamayan. Ang dalawang apostol ang tinaguriang haligi ng simbahang katolika na buong puso at katapatang sumunod sa kalooban ng Panginoon. Dahil dito hinikayat ng kinatawan ni Pope Francis ang bawat mananampalataya na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

We, you and I, through the sacraments, through prayer, through acts of charity, we participate in God’s nature, God’s truth, God’s goodness, God’s beauty which is preparing us for the life of the world to come,” giit ni Archbishop Brown.

Kasabay ng pagdiriwang ng Popes Day ay pormal namang inanunsyo ng nuncio ang pagkakatalaga kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Taytay Palawan at Diocese of Malaybalay Administrator Msgr. Noel Pedregosa bilang bagong obispo ng Malaybalay.

Ang Popes Day ay taunang ginugunita ng simbahang katolika tuwing Hunyo 29 sa dakilang kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,326 total views

 107,326 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,101 total views

 115,101 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,281 total views

 123,281 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,268 total views

 138,268 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,211 total views

 142,211 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top