Buwan ng Hulyo, inilaan ng Diocese of San Pablo na Jubilee month for the Elderly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total views

Inilaan ng Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna ang buwan ng Hulyo bilang Jubilee Month for the Elderly sa diyosesis.

Ayon kay Rev. Fr. Manny Labing – Director ng mga samahan ng Apostolado ng Panalangin sa diyosesis, ang deklarasyon ng Hubilehiyo para sa mga lolo, lola at mga nakatatanda ay bahagi ng patuloy na lokal na pagdiriwang ng Diyosesis ng San Pablo sa ika-500
anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Paliwanag ng Pari ang Jubilee Month for the Elderly ay isang paraan ng pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa higit na pagpapalago at pagpapalalim ng pananampalatayang Kristiyano.

“Isang malaking dahilan ang pagpapatuloy ng pananampalataya sa ating tahanan, sa ating pamayanan, at sa lokal na Simbahan ang mga ginampanan ng mga lolo, lola, at ng mga nakatatanda. Kaya naman sa pagpapatuloy rin ng pagdiriwang ng 500 years of Christianity dito sa ating diyosesis itinalaga ang month of July bilang Jubilee for the Elderly.”pahayag ni Fr. Labing.

Kabilang sa mga nakahanay na gawain ay ang pagdarasal ng buong diyosesis ng Nobenaryo para sa Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana bilang patron ng mga lolo, lola at nakatatanda mula ika-17 hanggang ika-25 ng Hulyo at pagbabahagi ng mga pagninilay sa kahalagahan ng mga lolo’t lola at mga nakatatanda sa pagpupunla ng Kristiyanong pananampalataya at pag-uugali sa mga pamilya.

Kasabay naman ng idineklarang First World Day of Grandparents and the Elderly ni Pope Francis sa ika-25 ng Hulyo na Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ay maggagawad ang diyosesis ng parochial and virtual Blessing for the Elderly.

Ayon kay Fr. Maning, “Ang rurok ng pagdiriwang ng Jubilee Month for the Elderly ay ang Diocesan Recognition ng mga mananampalataya.

Kabilang sa mga maaring mabigyan ng pagkilala na makatatanggap ng certificate at 500 YOC commemorative medal mula sa diyosesis ay ang mga 60-taong gulang pataas na nakapaglingkod sa Simbahan sa loob ng 25-taon o higit pa.

Pangangasiwaan naman ng mga miyembro ng Apostolado ng Panalangin kasama ang mga Parish Pastoral Council ng bawat parokya ang profiling ng mga awardees mula sa iba’t ibang parokya.

Sa buong buwan din ng Hulyo ay itatampok ng diyosesis ang mga promotional videos ng mga Homes for the Aged na matatagpuan sa Diyosesis ng San Pablo sa pamamagitan official facebook page ng diyosesis na ‘500 Years of Christianity – Diocese of San Pablo’.

May apat na Home for the Aged sa diyosesis na kinabibilangan ng Nazareth Bahay Pagibig sa San Pablo, Bahay ni Maria Home for the Abandoned Elderly and Children with Special Needs sa Calamba, Mary Mother of Mercy Home for the Elderly and Abandoned Foundation sa San Pedro, at Divine Mercy Home for the Elderly sa Silangan, Calamba.

Una ng binigyang pagkilala ng Diocese of San Pablo ang mga relihiyoso at relihiyosa na nagtalaga ng kanilang sarili sa pagliingkod sa Simbahan sa pamamagitan ng pagdideklara ng Jubilee Month for Religious Men and Women sa diyosesis noong buwan ng Hunyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 93,963 total views

 93,963 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 124,186 total views

 124,186 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 150,835 total views

 150,835 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 245,808 total views

 245,808 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 260,691 total views

 260,691 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top