Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa, tiniyak ng DOLE-OSHC

SHARE THE TRUTH

 14,537 total views

Tiniyak ng Department of Labor and Employment – Occupational Safety and Health Center (DOLE-OSHC) ang pinaigting na pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa lugar ng paggawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence (AI).

Ipinangako ito ng DOLE-OSHC sa paglulunsad ng Occupational medicine week gamit ang occupational medicine na sistema ng health care system na nakatuon sa digitalization at paggamit ng AI.

Ayon kay DOLE-OSHC Executive Director Engineer Jose Maria Batino, mapapangalaan ang kalusugan ng mga manggagawa gamit ang makabagong teknolohiya at sa tulong mga employer.

“Well it has to start from within the company, there should be a way of neutralizing what is perceived negatively by their employees towards digitalization so resources would have to come in for them to be trained and capacitated because on hand,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Batino.

Inihayag ni Batino na sa tulong ng maayos na pagtuturo sa mga manggagawa ay higit na mauunawaan na makakabuti ang paggamit ng mga teknolohiya at AI sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan.

“Initially many would be afraid to jump to upgrading and digitalization, but once they realize the value added to it, once they realize how effective and efficient they can be with the systems and application then eventually they woud learn,” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas kay Batino.

Idinaos ang 3rd Occupational Medicine Week sa temang ‘Digital Technology in Occupational Medicine Practice’ upang mapalalim ang kaalaman ng mga manggagawa.

Ayon sa pag-aaral ng nangungunang employment website sa Southeast Asia na ‘JobStreet’ noon November 2024, 35% ng mga Pilipino ang naniniwalang magiging dahilan ang malawakang paggamit ng AI sa pagkawala ng kanilang trabaho habang 82% naman ang naniniwalang higit na mababago ng AI ang mga nakagawiang trabaho nang mga Pilipino.

Unang isinulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang wastong paggamit ng AI at makabagong teknolohiya upang higit na maisulong ang pananampalataya at higit na mapaigting ang pakiisa ng mga kabataan sa simbahan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 78,578 total views

 78,578 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 86,353 total views

 86,353 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 94,533 total views

 94,533 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 110,089 total views

 110,089 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 114,032 total views

 114,032 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 3,073 total views

 3,073 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 11,163 total views

 11,163 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 12,653 total views

 12,653 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top