10,533 total views
Nilinaw ng international lawyer at ICC-accredited counsel na kakatawan sa mga biktima ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi na kinakailangan ang negosasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kaso laban sa dating pangulo.
Ipinaliwanag ni Atty. Joel Butuyan na kung magkakaroon man ng koordinasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng ICC, ito ay para lamang sa pagpapatupad ng anumang warrant of arrest at ang pagkuha ng mga ebidensyang maaaring nasa pangangalaga ng Pilipinas.
“If ever ang coordination ng Philippine government at ang ICC will only be implementing any subsequent warrant of arrest at later on may mga ebidensyang kakailanganin na nasa pangangalaga ng Philippine government. Meron pa rin tayong tinatawag na procedural obligation para makipag-cooperate po at ibigay itong mga ebidensyang ito.”
Dagdag pa niya, kung sakaling magkaroon ng conviction, kakailanganin din ang tulong ng gobyerno ng Pilipinas upang makuha ang mga ari-arian ng mga napatunayang nagkasala upang maipatupad ang reparasyon para sa mga biktima.
“Kung may conviction na, kailangan ng reparation, kailangan din natin ng tulong ng Philippine government para magkalap ng assets ng mga convicted po sa kaso ng ICC.”
Sa kabila nito, una na ring sinabi ni Atty. Butuyan na saklaw ng ICC ang kaso laban kay Duterte, kahit pa hindi na miyembro ng international court ng Pilipinas.
Dahil anya, naganap ang mga paglabag bago pa man humiwalay sa ICC ang pamahalaan ng Pilipinas noong 2019.
Ano ang Susunod na Mangyayari? (in bold letters)
Binigyan diin naman ni Atty. Butuyan na mahalaga sa kampo ni Duterte ang ilang buwang pagitan bago ang susunod na pagharap sa korte para sa paghahanda ng depensa.
Kabilang na dito ayon sa abogado ang paghahain ng mga hamon sa kaso, tulad ng: Jurisdiction ng ICC, Validity ng warrant of arrest, at Application for interim release.
“Pribilehiyo ito ng depensa ng kampo ni Pangulong Duterte dahil sa period na ito pwede siyang maghain ng tinatawag na challenges. Iyan ang procurement, “Ito po ay yung pagbibigay ng prosecution ng lahat ng ebidensya na gagamitin niya sa trial para magkaroon ng oportunidad si Mr. Duterte na pag-aralan at magprepare ang depensa pag nagtrial na po.”paliwanag ni Batuyan
Sa darating na Setyembre 23, nakatakdang isagawa ang confirmation of charges hearing, kung saan opisyal na dedesisyunan ng ICC kung itutuloy ang paglilitis laban kay Duterte para sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.