401 total views
Ikinatuwa ni Diocese of San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang inilabas na listahan ng Forbes Magazine na pang–17 ang Pilipinas sa 20 bansa sa mundo kung saan pinaka–mabuti ang magretiro.
Kinilala naman ni Bishop Mallari ang hindi matawarang pagsisikap ng mga overseas Filipino workers o OFWs na siyang nagpapakilala sa mga dayuhang retirado sa ganda ng Pilipinas.
“This is an honor for us na gusto nilang pumunta sa ating bansa pero yung mahalaga rin na while we are happy that they are coming in sa ating bansa especially yung mga retired. I think ito yung diba tayo yung we stayed in their own places yung mga Filipinos rin those who are taking care of them yung mga caregivers and in a way we are glad na nakikita nila yung kabutihan ng ating mga kababayan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari sa panayam ng Veritas Patrol.
Iminungkahi naman ni Bishop Mallari na pagtuunan rin ng pansin ng pamahalaan hindi lamang ang mga turista kundi lalo’t higit ang mga matatanda sa ating bansa na ina-abanduna ng kanilang mga anak na pagmalasakitan sana ng lipunan at madama nila na hindi sila dayuhan sa sarili nilang bayan.
“And that they find our place peaceful and good for retirement but it is important also while we give importance with our tourists it is important that we give also importance to our own elderly people in our country siguro mapahusay pa yung pangangalaga sa mga matatanda natin those with our elderly abandoned because there are a lot of our elderly that are abandoned,” panawagan ni Bishop Mallari.
Tinukoy naman ng Forbes Magazine ang Subic Bay at Tagaytay bilang magagandang lokasyon sa Pilipinas kung saan maganda ang mag-retire o popular na retirement havens.
Ayon sa Forbes Magazine, kabilang sa nakakaakit sa mga US retirees ang mababang cost of living at tropical environment sa Pilipinas at ang pagiging bihasa ng mga Pinoy sa lenguaheng Ingles.
Sinasaklaw ng populasyon ng bansa ang 68.6 million Pilipino at 5.4 na porsyento nito ay mga senior citizens.
Nauna na ring binanggit ng 78 taong gulang na si Pope Francis na ang isang pagtingin sa mga matatanda bilang pabigat sa lipunan ay isang kasalanan.