Pangmatagalang pagkalinga sa Indigenous People’s, isinasakatuparan ng Jesuit run university

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,845 total views

Mula sa taunang pamamahagi ng tulong tuwing Pasko, tinatahak ngayon ng Jesuit-run university sa Mindanao ang mas malalim at mas pangmatagalang paraan ng pagkalinga sa mga katutubo.

Ayon kay Kevin Roy Jimera, direktor ng Campus Ministry ng Ateneo de Zamboanga University, nagsimula ang pagbabago matapos hamunin ng kanilang pangulo na si Fr. Guillrey Anthony “Ernald” Andal, SJ, ang mga tagapangasiwa hinggil sa tunay na epekto ng kanilang mga programa.

“With all our programs and activities, how many of these are intentional and sustainable, leading to development?” ani ng pari sa isang strategic planning meeting.

Ibinahagi ni Jimera na sa pamamagitan ng taunang Christmas Love Drive, nakapagbibigay ang unibersidad ng 800 hanggang 1,000 family packs sa mga komunidad na itinuturing na “poorest of the poor.”

“Though we can feed a family for a day, for a week at most, after that, what’s next? It’s not even sustainable,” pahayag ni Jimera sa Radyo Veritas.

Dahil dito, minabuti ng unibersidad na repasuhin ang kanilang mga programa at ituon ang pansin sa pangmatagalang pag-unlad sa halip na panandaliang tulong lamang.

Liwanag para sa komunidad

Sa pakikipagtulungan sa Center for Community Extension Services (CESES), sinuri ang kalagayan ng komunidad ng Sama Bangingi sa Simariki Island na may tinatayang 70 hanggang 80 kabahayan.

Lumabas sa konsultasyon na bukod sa kakulangan sa malinis na tubig at maayos na pabahay, isa sa pinakamalaking suliranin ay ang kawalan ng kuryente na nagiging hadlang sa pang-araw-araw na gawain lalo na pagsapit ng dilim.

“At 7 o’clock, they are already asleep. That’s the reality in that area because they have no light,” ani Jimera.

Umaasa lamang sa gasera at lampara ang mga residente kung saan apektado rin ang mga mag-aaral, lalo na ang pumapasok sa high school sa mainland sa Barangay Talon-talon, Zamboanga City na kinakailangang umalis ng madaling-araw at umuwi nang gabi.

“Without light, students leave at 4 or 5 a.m., and when they return, it’s dark again. They cannot even clearly see where to dock their boats,” dagdag ni Jimera.

Bilang tugon, inilunsad ang Project SUGA na naglalayong maglagay ng 36 solar street lamps sa pangunahing walkway ng komunidad upang mapabuti ang kaligtasan at mobilidad ng mga residente.

Noong December 10, 2025, nai-turn-over ang unang 12 solar lamps bilang bahagi ng Phase 1 ng proyekto.

Tinatayang ₱13,000 ang halaga ng bawat unit na sumasaklaw sa materyales, transportasyon at instalasyon.

Panawagan sa pamahalaan

Gayunman, iginiit ni Jimera na hindi sapat ang paglalagay ng ilaw upang tuluyang matugunan ang mas malalim na suliranin ng komunidad.

“Marami pa silang mas malalaking pangangailangan tulad ng maayos na pabahay, maayos na walkway, at mas matibay na istruktura,” ani Jimera.
Ibinahagi rin niyang maraming bahay sa isla ang sira-sira at lantad sa init, ulan at malalakas na hangin mula sa dagat.

Dahil dito, nananawagan ang pamantasan sa lokal at pambansang pamahalaan na magsagawa ng mas malawak na pagtugon sa komunidad, lalo’t kinikilala na sila bilang opisyal na Indigenous Peoples (IP) community.

Naniniwala si Jimera na maaaring tumugon ang mga ahensya tulad ng National Housing Authority at iba pang kaugnay na tanggapan upang matulungan ang mga residente sa mas matatag na pabahay at imprastraktura.

“Hindi namin kayang tugunan lahat. Kailangan din ng mas malawak na interbensyon ng gobyerno,” giit ni Jimera.

Pananampalatayang may katarungan

Iginiit ni Jimera na ang proyekto ay nakaugat sa misyon ng pamantasan at sa Ignatian spirituality na bumubuo ng mga lider na may malasakit at pananagutang panlipunan.

“Faith that does justice. Hindi puwedeng prayer-prayer ka lang, wala ka namang ginagawa,” ani Jimera.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikinig sa komunidad bago magpatupad ng anumang proyekto.

“Before we implement, we go to the area and ask: Is this what the community wants? Because what we want for them might not be what they want for themselves,” paliwanag ni Jimera.

Sa kasalukuyan, limang solar lamps na lamang ang kinakailangang pondohan upang makumpleto ang Phase 2 ng proyekto.

“There is benefactors’ fatigue. If donors do not see the impact, they will eventually get tired of giving,” ani Jimera, kasabay ng panawagan sa mga nais tumulong upang maisakatuparan ang ganap na implementasyon ng proyekto sa Simariki Island.

Sa mga nais makibahagi, maaaring magpadala ng tulong sa Bank of the Philippine Islands – NS Valderosa Branch sa ilalim ng Ateneo de Zamboanga University (Dollar Account: 2114-0103-51 – Savings; Peso Account: 2111-0001-42 – Current) o makipag-ugnayan sa [email protected]

Umaasa ang pamantasan na sa pamamagitan ng renewable energy at mas sistematikong pagtugon sa pangangailangan ng komunidad, masisiguro ang mas ligtas at mas maliwanag na kinabukasan para sa mga katutubo ng Simariki Island.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 109,367 total views

 109,367 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 131,477 total views

 131,477 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 205,546 total views

 205,546 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 201,105 total views

 201,105 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top