Panindigan ang pangangalaga sa kalikasan, hamon sa Duterte administration.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 310 total views

Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang kasalukuyang administrasyon na panindigan ang pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa Obispo, dapat din tuparin ng Pilipinas ang naunang pangako nito sa isinagawa noong nakaraang taon sa Conference of Parties sa Paris.

“Sana panindigan ng ating pamahalaan ang pinirmahan natin, ang ating ipinangako duon sa Paris Covenant na ginawa noong nakaraang taon, nagbigay po tayo ng ating pangako na babawasan ang ating cabon emission at ang isa pong malaki na nagbibigay ng carbon emission ay ang pagmimina, pagkasira ng ating kalikasan. Kaya sana panindigan ng ating kasalukuyang pamahalaan, ang ating ipinangako at maghanap pa ng ibang pamamaraan upang mapangalagaan ang kalikasan natin.” Pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Ang United Nations Conference on Climate Change o COP 21 na isinagawa noong November 30 hanggang December 12, 2015 ay nagkaroon ng kasunduang pabababain ang carbon emissions sa bawat bansang lalagda dito.

Lumagda ang noo’y si Pangulong Benigno Aquino III sa kasunduang pabababain ang 70% carbon emission ng Pilipinas bilang ambag sa International Community.

Kamakailan naman ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito maaaring sundin ang kasunduan sa COP 21, dahil aniya, lalong babagal ang pag-unlad ng Pilipinas kung patuloy na magkakaroon ng power shortage ang bansa.

Gayunman bukas ang kayang liderato at ang Department of Environment and Natural Resources na humanap ng mga paraan na makabubuti sa pag-unlad ng bansa habang hindi nasasakripisyo ang kalikasan.

Una nang iminungkahi ni Pope Francis, sa encyclical nitong laudato si ang pagpapalawak ng pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 93,545 total views

 93,545 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 93,545 total views

 93,545 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 93,545 total views

 93,545 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 90,752 total views

 90,752 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 82,910 total views

 82,910 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 285,761 total views

 285,761 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top