Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Papal Nuncio, pangungunahan ang installation ng ika-7 Military Ordinariate.

SHARE THE TRUTH

 499 total views

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang pormal na pagtatalaga o installation ni Bishop Oscar Jaime Florencio bilang ika-7 Military Ordinariate of Philippines sa St.Ignacius de Loyola Cathedral, Camp Aguinaldo,Quezon City ngayong araw ika-3 ng Abril, 2019.

Magiging main preside ng rites at banal na misa si Archbishop Caccia at si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle naman ang magho-homily.

Live na mapapanood at mapapakinggan ang installation ni Bishop Florencio sa www.veritas846.ph.

Sa panayam ng Radio Veritas, inihayag ni Bishop Florencio na mahalaga ang pagkakatalaga sa kaniya ni Pope Francis upang magabayan ang mga Pastol ng Simbahan sa iba’t-ibang Chaplainces sa mga Kampo ng Armed Forces of the Philippines at Philippines National Police.

“This is very significant dahil it can boost the morale of the chaplains na mayroon silang Bishop and Shepherd,” bahagi ng panayam kay Bishop Florencio sa Radio Veritas.
Mahalaga rin ito sa paggunita ng Kuwaresma, ang apatnapung araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

Sinabi ni Bishop Florencio na malaking gampanin na mangangasiwa sa mga gawain sa buong Kuwaresma at matiyak na ito ay maipatutupad ng nakasusunod sa liturhikal na alituntunin.

Mahalaga sa mga Pari sa buong mundo ang Mahal na Araw partikular ang Chrism Mass kung saan sasariwain ang kanilang sinumpaang katungkulan bilang mga lingkod ng Panginoon.

“It is significant also because during this lenten season dahil dito po ang renewal of vows ng mga chaplain on their commitments and they will have to renew that with their new Bishop,” dagdag pa ni Bishop Florencio.

DIWA NG KUWARESMA

Hinimok din ng Obispo ng Military Diocese ang mga mananampalataya na isapuso ang paggunita ng Kuwaresma upang higit na mauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagpapatawad, pagninilay at pagkakawanggawa sa kapwa.

Inihayag ng Obispo na marapat pagnilayan ng tao ang bawat ginagawa lalo na sa mga tagapagpatupad ng batas upang nababatay sa katuruan ng Simbahan at kalooban ng Panginoon ang magiging bunga nito.
“I think it will be good also to consider na ang ating mundo ang ating lipunan ngayon actually needs sometime going deeper into one’s self introspection, so that whatever we do ito ay bunga ng ating pananampalataya,” ani ni Bishop Florencio.

Sinabi pa ng Obispo na ang pagtitiwala, pagkakaisa at pag-uunawaan ng mamamayan ay magdudulot ng panibagong buhay sa pamayanan na makatutulong sa pag-unlad hindi lamang sa Simbahan kundi maging sa lipunang kinabibilangan.

Si Bishop Florencio na itinalagang pinuno ng Military Ordinariate of the Phililippines noong ikalawa ng Marso ay ang ikapitong Obispo ng military diocese na mangangasiwang pastoral sa mga Katolikong naglilingkod sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coastguard, Philippine National Police.

Sa tala ng Catholic Hierarchy ang military diocese ay binubuo ng higit 120 mga Pari na naitalaga sa 65 mga Parokya sa buong bansa.

Bilang Obispo, nakapagtapos ito ng Doctorate in Sacred Theology sa Pontifical University of the Holy Cross sa Roma.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,982 total views

 8,981 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,082 total views

 17,081 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,049 total views

 35,048 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,379 total views

 64,378 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,956 total views

 84,955 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 102,351 total views

 102,351 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 65,833 total views

 65,833 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top