197 total views
Iminungkahi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bagong administrasyon na pagtibayin ang kanilang panukala na dagdagan ang pondo na nakukuha ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
Ayon kay outgoing DSWD secretary Dinky Soliman, umaasa sila na maipapasa sa susunod na Kongreso ang kanilang mungkahi na gawing P600 mula sa P500 ang nakukuha ng bawat bata.
Ito’y dahil tumataas na ang lahat ng mga bilihin ngayon lalo na at 2008 pa nagsimula ang Conditional Cash Transfer Program (CCT).
“Aming iminumungkahi at inilagay sa budget ngayong 2016 kung ipapasa nila sa budget, pinadagdagan namin ang cash grant dahil nakikita natin noong 2008 na yan ay halagang P300 iba na ang kayang bilhin ng 355 ang itinaas at yung 500 na natatanggap nila ay 600 na, mungkahi lamang ito, na tatalakayin sa budget hearing simula sa July.” Pahayag ni Soliman sa panayam ng Radyo Veritas.
Dagdag ni Soiliman, ipinapanukala rin nila sa susunod na administrasyon na palawakin ang mga programa sa agrikultura para mapaunlad pa ang mga nasa mahihirap na sektor gaya ng mga mangingisda, magsasaka at magniniyog.
“Kailangang paunlarin at palawakin ang mga programa para sa agrikultura, mangingisda, magsasaka magniniyog para tuloy-tuloy ang pag-unladd sa kanayunan.” Pahayag pa ni Soliman
Noong simulan ang 4Ps noong 2008 nasa 160,000 lamang ang pamilyang benepisyaryo nito na ngayong 2016 ay nasa 4.5 milyon na.