Para sa susunod na henerasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

“Anong uri ng mundo ang ating iiwan sa mga susunod sa atin, sa mga batang ngayon ay lumalaki pa lamang? Ang tanong na ito ay hindi lamang ukol sa kalikasan; hindi pwedeng pa-patse patse o piecemeal ang tugon sa isyu na ito. Kapag tinatanong natin ang ating sarili kung anong uri ng mundo ang ating iiwan, kailangan nating makita na ang nakataya dito ay ang ating dignidad.”

Kapanalig, ang mga katagang iyan ay mula sa Laudato Si ni Pope Francis. Akmang akma ang ang mga salitang ito sa ating panahon ngayon dahil may mga pag-aaral na nagsasabi na ang mga batang pinanganak nitong 2020 ay mas maapektuhan na ng climate change kaysa sa kanilang mga lolo at lola.

Ayon sa isang report mula sa Save the Children, ang banta ng climate change sa mga bata ngayon ay hindi lamang isang teorya. Ito ay totoo, urgent, o kagyat at kailangang harapin.

Ayon sa report, ang isang bata na pinanganak ng 2020 ay makakaranas ng doble ng dami ng wildfires, mas maraming crop failures (2.8 times), mas maraming  tagtuyot (2.6 times), pagbaha (2.8 times), at mga heat waves (6.8 times) kumpara sa mga taong pinanganak noong 1960s. Ang mga batang mula sa mga low- and middle-income countries ang pinaka-maapektuhan nito. Mas mabigat ang sasaluhing trahedya ng mga bulnerableng bata sa mga lugar na ito.

Kapanalig, ang mga batang ito ay inosente. Kung ating susuruin, maliit lamang ang kanilang kontribusyon sa pag-init ng mundo pero pasan nila ang bunga nito.  Hindi ba’t unfair, kapanalig? Bakit ang buhay nila ang madedehado dahil lamang sa kapabayaan ng kanilang mga ninuno?

Ang mabilisang pagtugon ng lipunan sa kapakanan ng susunod na henerasyon ang kailangan ngayon. Ang mga malakaki at industriyalisadong bansa ay kailangang tuparin ang kanilang tungkulin na bawasan ang kanilang mga emisyon na siyang nagpapa-init ng mundo. Kailangan nilang siguruhin na ang kinabukasan ng lahat ay magiging “low-carbon.”

Kapanalig, wala sa kamay ng mga maralitang bata ang sagot sa problema ng pag-init ng mundo, pero pasan nila ang lahat ng masasamang epekto nito. Kailagan nang masiguro ng mundo na hindi na tataas pa ang pag-init ng temperatura ng mundo ng 1.5 degrees celsius, at makakalahati na pagdating ng 2030 ang emissions o pagbuga ng greenhouse gasses. Ito lamang ang makakapag-tiyak na maiiwasan natin ang mga extreme o sukdulang epekto ng climate change.

Ang krisis na pangkalikasan ay panawagan ng pagbabago. Ayon nga sa Ladauto Si, “The ecological crisis is a summons to profound interior conversion.” Kapanalig, responsibilidad ng lipunan na siguruhing mamamana ng ating mga susunod na henerasyon ang gandang inalay ng Panginoon sa atin, hindi ang isang mundong nasira na dahil lamang sa ganid.  Karapatan ng mga bata ang magkaroon ng mundong malusog at nagbibigay buhay.

Sumainyo ang Katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 39,833 total reads

 39,833 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 34,311 total reads

 34,311 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 69,336 total reads

 69,336 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 171,159 total reads

 171,159 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 211,718 total reads

 211,718 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 230,900 total reads

 230,900 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 34,312 total reads

 34,312 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 69,337 total reads

 69,337 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 171,160 total reads

 171,160 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 211,719 total reads

 211,719 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top