1.400 drug addicts, natulungan ng SANLAKBAY

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 869 total reads

Mahigit 1,400 na mga nalulong sa illegal na droga ang natulungan ng drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila mula ng maitatag ito limang taon na ang nakakalipas.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, Priest-in-Charge ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila na nangangasiwa sa programang SANLAKBAY sa Pagbabago ng Buhay sa paggunita ng ikalimang anibersaryo ng pagkakatatag ng programa na tugon sa problema ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Fr. Dela Cruz, mula ng maitatag noong taong 2016 ay umaabot na sa 1,417 drug addicts ang sumailalim sa SANLAKBAY ang natulungan at nagabayan upang makapagbagong buhay at maging isang responsibleng mamamayan.

Itinatatag ang programa sa pagtutulungan ng Simbahan, mga ahensya ng pamahalaan at iba’t ibang grupo ng mga indibidwal.

“Sanlakbay is pastoral accompaniment designed primarily for people who uses illegal drugs. Ever since its conception since 2016, there had been 1,417 drug addicts who enrolled in the program. This was not easy. Trust among stakeholders need to be established. Despite the many challenges, Sanlakbay became the opportunity for the Church, the government and different civilian groups become united towards a common goal.” mensahe ni Fr. Dela Cruz.

Ibinahagi ni Fr. Dela Cruz na dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic ay payak na iipagdiriwang ng arkidiyosesis ang pagkakatag sa SANLAKBAY sa Pagbabago ng Buhay.

Ang SANLAKBAY ay itinatag sa ilalim ng pamumuno ng noo’y arsobispo ng Maynila na si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang tugon sa suliranin ng pagkalulong sa illegal na droga ng mamamayan at madugong war on drugs ng Pangulong Duterte.

Pangungunahan
ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang payak na pagdiriwang na gagawin sa pamamagitan ng isang banal na misa sa ika-23 ng Oktubre, 2021 sa Archdiocesan Shrine of Sto. Nino de Tondo ganap na alas-nuebe ng umaga.

“Despite the pandemic and numerous lockdowns, Sanlakbay (One Journey) is set to celebrate its 5th year founding anniversary since its conception through the initiative of then Manila Cardinal Chito Tagle. It is expected the newly appointed Cardinal Jose Advincula will lead the Eucharistic celebration on October 23, 2021, 9am at Diocesan Shrine and Parish of Sto. Nino de Tondo.” Dagdag pa ni Fr. Dela Cruz.

Tema ng ikalimang anibersaryo ng Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay ang “Sana All Kapag Tulong-tulong may Pagsulong” na layuning bigyang diin ang patutulungan ng iba’t ibang sektor at institusyon upang mapanumbalik ang tiwala at kapanatagan na kinakailangan para makapagbagong buhay ang isang nalulong sa pinagbabawal na gamot o ilegal na droga.

Inaasahan rin ang pakikibahagi sa paggunita ng ikalimang anibersaryo ng pagkakatatag ng Sanlakbay ng ilang mga opisyal mula sa Archdiocese of Manila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Dangerous Drugs Board, Philippine Drug Enforcement Agency, at Philippine National Police na pawang nakatuwang ng arkidiyosesis upang maisakatuparan ang misyon ng Sanlakbay na magkaloob ng rehabilitasyon sa mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 4,356 total reads

 4,356 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 86,418 total reads

 86,418 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 188,145 total reads

 188,145 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 224,933 total reads

 224,933 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 255,422 total reads

 255,422 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top