Paraan ng pangangampanya, sumasalamin sa integridad ng mga kandidato-Election watchdogs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 654 total views

Nanawagan sa mga botante ang iba’t ibang election watchdogs sa bansa na maging mapanuri sa paraan ng pangangampanya ng mga kandidato sa nakatakdang May 2019 Midterm Elections.

Ayon kay Atty. Rona Ann Caritos, Executive Director of Legal Network for Truthful Elections (LENTE) at Chairman ng Task Force Election, sinasalamin ng paglabag sa panuntunan ng pangangampanya sa halalan ng mga kandidato ang kanilang integridad sa paraan ng pamamahala sa oras na mahalal na sa pwesto.

“Yung sinasabi namin sa mga tao kung bakit huwag na nilang iboto yung mga nagpi-premature campaigning or early campaigning, may loophole sa batas na tini-take advantage ng mga kandidatong ito at kapag ngayon palang ay marunong na silang mag-take advantage or magtingin ng mga butas sa batas ay paano pa kaya kung sila ay nasa pwesto,” ang bahagi ng pahayag ni Atty. Caritos sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa inisyal na pagsusuri ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) bago pa man magsimula ang Campaign Period noong ika-12 ng Pebrero ay tinatayang umabot na sa P2.4 na bilyon ang halaga ng Campaign Ads ng mga kandidato mula January 2018 hanggang January 2019.

Hindi rin magkakatugma ang halaga ng inisyal na gastos ng mga kandidato sa kanilang idineklarang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net worth.

Kasabay ng paggunita ng Simbahang Katolika sa ‘Taon ng Kabataan’ ay mariing tinatawagan ng simbahan ang mga kabataan na aktibong makibahagi sa mga usaping panlipunan lalu na sa nakatakdang halalan dahil sa malaking papel na ginagampanan para sa kinabukasan ng bayan.

Sa tala ng COMELEC, 20-milyon mula sa 60 milyong rehistradong botante ay mga kabataan nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 82,753 total views

 82,753 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 82,753 total views

 82,753 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 82,753 total views

 82,753 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 80,301 total views

 80,301 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 73,325 total views

 73,325 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top