396 total views
Unahin ang kapakanan ng mga manggagawang nakabase ang kita sa pang araw-araw na trabaho sa halip na bigyang prayoridad ang ikabubuti ng negosyo ng mga kapitalistang negosyante.
Ito ang pagbibigay diin ni Father Jerome Secillano – Catholics Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs (CBCP-PCPA) Executive Secretary sa usapin ng pagsusulong ‘4-days work week scheme’ na suportado ng ilang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor ng pagnenegosyo.
“Unahin din sana ng pamahalaan ang pag-aayos sa mga isyu na makaka-apekto sa mga empleyado bago pa man tingnan kung ano ang mabuting ma-idudulot ng polisiyang ito sa mga kapitalista at estado,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ng Pari.
Inihayag ng pari na bagamat layunin ng polisiya na makatulong sa bawat mamamayan upang maibsan ang pang araw-araw na gastusin ay dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang magiging epekto sa mga manggagawa.
Iginiit ni Father Secillano na sakali mang maipatupad ang 4-days work week ay dapat magkaroon ng mga malinaw na polisiyang magsisilbing gabay upang manatiling maayos ang produksyon at pagseserbisyo ng mga negosyo sa kani-kanilang sektor.
“Dapat ding siguraduhin ang pagkakaroon ng mekanismo na gagabay sa lahat ng sektor ng paggawa ang pagiging “efficient” sa pagbibigay ng serbisyo publiko lalo na nga at apat na araw na lang ang ilalaan sa pagta-trabaho,”
Una ng ikinabahala ng Trade Union Conggress of the Philippines (TUCP) ang kalusugang pisikal at mental ng mga manggagawang maapektuhan ng polisiya.
“Unahin din sana ng pamahalaan ang pag-aayos sa mga isyu na makaka-apekto sa mga empleyado bago pa man tingnan kung ano ang mabuting ma-idudulot ng polisiyang ito sa mga kapitalista at estado,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ng Pari.