VeritasPH

The Word, The Truth

 259 total views

Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-3 ng Abril 2022, John 8:1-11

Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang babae sa kanya. Pangalawa, matapos niyang sabihin, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato.” Yumuko daw siya at nagsulat sa lupa.

Ako sa palagay ko, kunwari lang siyang nagsulat. May ibang dahilan kung bakit siya yumuko. Hindi ba ginagawa rin natin ito noong mga estudyante pa tayo? Kapag may mahirap na tanong si titser at tumitingin sa mga estudyante kung sino ba ang nakakaalam sa sagot, sigurado lang iyung iba yuyuko at magsusulat. Pero pag tiningnan mo ang notebook nila, wala namang isinusulat. Kunwari lang na nagsusulat. Para hindi obvious na ang dahilan ng pagyuko ay para makaiwas sa question ni Titser.

So, ano ang dahilan ng pagyuko ni Hesus? Tingnan muna natin ang sitwasyon. Kinaladkad daw ng isang grupo ng mga Eskriba at Pariseo ang isang babaeng diumano’y nahuling nakikiapid para iharap ito kay Hesus. Nasa gitna siya noon ng maraming taong nakikinig sa kanyang pagtuturo. Sabi sa ebanghelyo, ang tunay na pakay ng mga Eskriba at Pariseo ay para hulihin siya sa kanyang sasabihin tungkol sa kaso, para may maisakdal laban sa kanya. Sa madaling salita, hindi talaga ang babae kundi si Hesus ang kanilang pinupuntirya.

Alam naman nila na ayon sa batas ni Moises, hindi lang ang babae kundi pati ang lalaking nahuli sa pakikiapid ang mahahatulan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbabato sa publiko.

Pwedeng kwestyunin ni Hesus kung bakit babae lang ang inaakusahan nila. Kung totoong nakiapid siya, nasaan ang kalaguyo? Di ba dapat pareho silang parusahan ng kamatayan ayon sa batas? Nasusulat iyon sa Leviticus 20 at Deuteronomy 22.

Pero kapag sumagot nang ganito si Hesus, ibig sabihin sumasang-ayon siya sa parusang kamatayan. Kung may isang bagay tungkol sa batas na mukhang hindi komportable si Hesus, isa na dito ang parusang kamatayan para sa mga tipo ng kasalanan na nakalista sa batas ni Moises. Kaya imbes na sumagot, yumuko lang muna siya. Hindi naman kasi lahat ng tanong ay dapat sagutin kaagad, lalo na ang mga tanong na ang datíng ay parang patibong. Kumbaga sa chess, inisip munang mabuti ni Hesus kung saan papunta ang galaw nila.

Isa pang dahilan ng kanyang pagyuko ay upang huwag tumingin sa babae. Ayaw ni Hesus na makisali sa maraming taong humahatol sa kanya. Para kay Hesus, ang pagparusa ay hindi lang sa pambabato nagsisimula. Sa pagtingin pa lang o pagtitig sa akusado parang nahuhubaran na ng dangal ang taong tinititigan. Kusang iniwasan ni Hesus ang tumingin dahil ayaw niyang makiisa sa pagyurak sa anumang natitirang dignidad ng babae. Kaya siya yumuko.

Palagay ko ito ang dahilan kung bakit sa mga tradisyunal nating mga kumpisalan sa simbahang Katoliko, may divider at may kurtina sa pagitan ng pari at ng nangungumpisal. Sa Ingles, ang tawag dito ay “saving face”. Hindi kailangang ipakita ng nagkasala ang mukha niya. Ang pagpapakumbaba niya sa pamamagitan ng pag-amin sa ginawang kasalanan, ang tinig ng pagsisisi at pagnanais na makipagkasundo ay sapat na. Kusang tinatakpan ng pari ng kurtina ang lugar ng nangungumpisal para hindi niya makita ang mukha, kahit kilala pa niya ang boses. Ito’y upang hindi “mawalan ng mukha” (“lose face,” sa Ingles) o mapahiya ang nangungumpisal, upang lumakas ang loob niya sa kagustuhan niyang mapanumbalik ng Diyos ang dangal ng kanyang pagkatao.

Sa Bibliya, sa aklat ng Genesis, sinasabi sa Gen 3:21, bago daw pinalabas sina Adan at Eba mula sa Paraiso, dinamitán muna sila ng Diyos ng balat ng hayop. Ibig sabihin tinakpan muna ang kahubaran nila.

Ang ginagawa ng maraming tao ngayon na panghihiya sa kanilang kapwa-tao sa social media ay walang ipinagkaiba sa sinaunang parusa ng pambabato sa mga makasalanan. Hindi na sa mga plaza o patio kinakaladkad ngayon ang nagkasala kundi sa FB, sa Twitter, Instagram at iba pang plataporma ng social media. Ang kapalit ng mga bato ay mga galít na mukha, malulupit na comments, pagmumura, panlalait, at pambabalahura. Minsan hindi pa sapat sa kanila ang tumingin, ise-share pa ito para magviral kahit hindi pa inaalam kung totoo ba o hindi, para makita ng lahat at malubos ang pagpapahiya sa tao sa publiko. Ang ibang kinakaladkad hindi nakakayanan ang pagkapahiya, nadidepress o nagsu-suicide. Palalampasin ba ng Diyos ang ganitong kalupitan?

Nang tumayo daw si Hesus hindi pa rin siya sa babae tumitingin kundi sa mga kumaladkad sa kanya. Sila ngayon ang hinamon niya nang ganito, “Ang walang kasalanan sa inyo ang siyang unang bumato.”

Pagkatapos, muling yumuko si Hesus. Bakit? Itong pangalawang pagyuko niya ay hindi na para sa babae kundi para sa mga ibig bumato sa kanya. Yumuko siya upang bigyan sila ng pagkakataong mag-isip-isip, umatras at umuwi. Parang ang mensahe niya sa kanila ay, “Kung napasubo lang kayo o nadala lang sa panunulsol ng kapitbahay nyo, pwede pa kayong magbago ng isip. Pwede ninyong ibaba ang hawak ninyong mga bato at umalis, HINDI AKO TITINGIN.” Yumuyuko daw ang mga kawayan upang padaanin ang bagyo.

Kaya siguro nasabi ni Hesus sa kanyang sermon sa bundok,“Huwag kang manghusga at hindi ka huhusgahan. Magpatawad ka at ika’y patatawarin. Dahil ang panukat na ginagamit mo para sa iyong kapwa ang siya ring gagamiting panukat sa iyo.”

Sa kuwaresmang ito, isipin natin ang mga biktima ng EJK ng mga nagdaang taon na maaaring hinusgahan natin kahit sa isip lang, na porke’t pinatay ay baka talagang adik, na porke’t adik ay deserving na kaagad ng kamatayan, at basta lang natin tinuring bilang kabawasan sa mga salot ng lipunan. Hindi man natin sila binaril tinitigan lang natin matapos na mabaril. O isipin natin ang mga katulad ni Doc Naty at iba pang nirered-tag, mga taong natatawag na komunista dahil sa malasakit sa mga dukha. Isipin natin ang mga taong kinaladkad at pinagpyestahan sa publiko nang di man lang binigyan ng kahit kaunting palugit ng habag sa pagkayurak ng kanilang dangal bilang tao at kapwa nilikhang kawangis ng Diyos.

Isipin natin na alam ng Diyos ang totoo ngunit nakayuko lang siya upang bigyan tayo ng pagkakataong magsisi at bumitaw sa mga bato ng maling panghuhusga.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,239 total views

 11,239 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,224 total views

 19,224 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 26,760 total views

 26,760 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 42,745 total views

 42,745 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,789 total views

 50,789 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 348 total views

 348 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,103 total views

 3,103 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,518 total views

 7,518 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,844 total views

 2,844 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,367 total views

 3,367 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,866 total views

 4,866 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,710 total views

 5,710 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,965 total views

 3,965 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,178 total views

 8,178 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,411 total views

 7,411 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,621 total views

 11,621 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,069 total views

 5,069 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,073 total views

 5,073 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,073 total views

 5,073 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,065 total views

 5,065 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top