Parokya at komunidad, nagkakaisa laban sa Zika virus

SHARE THE TRUTH

 113 total views

Pinangunahan ng Simbahang Katolika ang isang National Conference on Zika Virus; “Filipino Communities Uniting Against Zika Virus,” upang palakasin ang kahandaan ng mga komunidad laban sa lamok na nagdadala ng karamdaman.

Ayon kay Rev. Fr. Dan Cancino, MI – Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healthcare, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Simbahan ng Year of the Parish as Communion of Communities, layon ng conference na pagbuklurin ang mga parokya at mga komunidad para sama-samang protektahan ang kalusugan ng bawat isa.

Dagdag pa ng Pari, ang pagkakaisang ito ng sambayanan, ay tanda rin ng pagsunod sa bawat misyon na itinuro ng Panginoong Hesukristo.

“Alam naman natin na ito ay isang babala, isang kumakalat na sakit sa ating bansa at hindi lang dito, pandaigdigan din kaya tayo ay sama-sama bilang mga komunidad na labanan ang ating kinakaharap na Zika Virus. Protektahan natin ang ating mga komunidad, mag-participate po tayo, dahil sa ating participation, ito ang misyon ng bawat sumusunod sa ating Panginoong Hesukristo,” pahayag ni Fr. Cancino.

Samantala, binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Epicopal Commission on the Laity at Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani na ang malinis kapaligiran ay tugon sa paglaganap ng Zika virus http://www.veritas846.ph/malinis-na-kapaligiran-tugon-sa-zika-virus/ na layunin rin ng Basic Ecclesial Communities na pangalagaan ang welfare ng buong komunidad.

“Bahagi po ng BEC ay pangalagaan ang community at isang danger sa community ay yung mga sakit tulad ng Zika Virus at yung Dengue kaya dapat yan ay i-discuss din ng mga BEC paano ba maaalagaan ang komunidad,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Iginiit ng Obispo na walang ibang paraan upang masugpo ang Zika Virus, kundi sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran upang walang mapamugaran ang mga lamok na nagdadala ng karamdaman.

Binigyang diin rin ni Bishop Pabillo na kinakailangang maging maagap ang mga tao sa isang komunidad at bantayan ang isa’t isa upang matiyak na mabibigyan ng kaukulang lunas ang mga magkakaroon ng karamdaman. Una sa lahat yung mga pinupugaran ng lamok dapat maging malinis yung kanilang community at pangalawa kailangan din nilang malaman kung may mga taong may sakit d’yan, they should call the attention of the DOH, at dapat ipagamot na, at dalhin sa ospital,” dagdag ng Obispo.

Ang National Conference on Zika Virus, ay tugon sa panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle – Presidente ng Caritas Internationalis sa mga parokya, institusyon, paaralan at komunidad na makiiisa sa kampanya ng Department of Health para labanan ang pagkalat ng Zika virus.

Nauna rito, inilabas ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang isang pastoral guidelines kontra Zika virus. http://www.veritas846.ph/zika-alert-sa-undas/.

Sa bagong ulat ng DOH umabot na sa 39 ang kaso ng Zika Virus sa Pilipinas, at batay sa World Health Organization, ang Pilipinas ay nauuri sa Category 2 kung saan mataas ang posibilidad na ang Zika Virus ay endemic o locally-transmitted.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 32,347 total views

 32,347 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 43,993 total views

 43,993 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 53,240 total views

 53,240 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 59,037 total views

 59,037 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 71,425 total views

 71,425 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Gawing makatao ang pangangalaga sa mga may sakit at kapaligiran

 9,822 total views

 9,822 total views Ito ang hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ika-28 taon ng paggunita sa World Day for the Sick ngayong ika-11 ng Pebrero 2020. Paliwanag ni Fr. Dan Cancino, M.I., executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, ngayong ang buong mundo ay sinusubok dahil sa paglaganap ng Novel Corona Virus (nCoV), hamon

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Tigilan na ang paggamit ng Single-use plastics

 9,980 total views

 9,980 total views Ito ang naging mensahe ng pagdiriwang para sa ika-10 taon ng Panahon ng Paglikha sa Diyosesis ng Imus. Sa pagninilay sa banal na misang pinangunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, ipinaalala nito na ang buong sanilikha ay hindi pag-aari ng tao, dahil Diyos ang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mundo.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Pagbabawas ng emission mula sa coal fired power plants, panawagan ng Climate Change Commission

 9,810 total views

 9,810 total views Nanawagan ang Climate Change Commission ng pagtupad sa Nationally Determined Contribution na pagbabawas ng emission mula sa mga Coal Fired Power Plants lalo na ng malalaking mga bansa. Ayon kay Lourdes Tibig, isa sa mga author ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) Report on Oceans and Cryosphere at member ng National Panel

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

300 hektarya ng kagubatan, mawawasak sa Kaliwa dam project

 9,879 total views

 9,879 total views Patuloy ang kampanya ng grupong Save Sierra Madre Network Alliance para pigilan ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam Project, ngayong paggunita sa Save Sierra Madre Day, ika-26 ng Septyembre. Ayon kay Father Pete Montallana, nangangalap pa rin ng mga pirma ang kanilang grupo na isusumite sa Department of Environment and Natural Resources bilang patunay

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Gobyerno, hinamong isulong ang malinis na enerhiya at sustainable agriculture.

 9,753 total views

 9,753 total views Nagtipun-tipon ang mga makakalikasang grupo kasama ang ilang faith-based organization sa pagsisimula ng isang linggong Global Climate Strike. Kinalampag ng mga envorinmentalist ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Agriculture, upang ipanawagan ang pagsusulong ng malinis na enerhiya at maisulong ang sustainable agriculture para sa kapakanan ng mga

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 9,787 total views

 9,787 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr. Ayon kay Atty. Grizelda Mayo-Anda, executive director ng ELAC, nakababahala na ang walang habas na pagpaslang sa mga environmental defenders sa Pilipinas. Giit ni Anda, hindi ito ang unang pagkakataon

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Kaligtasan ng environmental defenders, ipinagdasal ng Obispo

 9,784 total views

 9,784 total views Sumentro sa pangangalaga sa kalikasan ang isiganagawang monthly prayer meeting ng Council of the Laity at Radio Veritas sa pangunguna ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. Kabilang sa ipinagdasal ng Obispo ang mga environment defenders na humaharap sa mga banta sa buhay dahil sa pagtatanggol sa kalikasan. Bukod dito, nanawagan din ng panalangin

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Panawagang tigil mina sa Nueva Vizcaya at No to Kaliwa dam project, suportado ng ATM.

 9,805 total views

 9,805 total views Nagpahayag ng pagsuporta ang grupong Alyansa Tigil Mina sa mga katutubo na humaharap sa pagsubok dahil sa pagprotekta sa kalikasan at sa kanilang lupang minana. Ayon sa grupo, labis na paghihirap ang kinakaharap ng mga katutubo dahil bukod sa pangambang pagkasira ng kalikasan ay nanganganib ding mawala ang kanilang buong tribo kasama na

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

DOE at DENR, pinakikilos laban sa coal fired power plants

 9,808 total views

 9,808 total views Hinihimok ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si ang mga pinuno ng pamahalaan na palitan ng renewable energy ang mga fossil fuels upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapigilan ang pagkasira ng kalikasan. Bilang suporta at pakikiisa sa adhikain ng Santo Papa, nanawagan ang Power for People Coalition sa Department

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 9,804 total views

 9,804 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment ng CBCP, sinabi nitong simula pa noong 1988 sa paglalabas ng unang pastoral statement on Ecology na may titulong “What is Hapening to our Beautiful Land,” ay sinisikap na ng

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Obispo sa pamahalaan, pakinggan ang boses ng mga kabataan

 9,818 total views

 9,818 total views Pinuri ng Obispo ang aktibong pangunguna ng mga kabataan sa Climate Youth Strike na ginawa sa iba’t-ibang panig ng mundo noong ika-24 ng Mayo. Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminasa, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Seminaries na mahalaga ang pakikisangkot ng mga kabataan sa ganitong gawain dahil dito nakasalalay

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Plant a tree for food program, pinaigting ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa.

 9,726 total views

 9,726 total views Muling pinangunahan ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pagtatanim ng mga puno sa isang bahagi ng Brookes Point Palawan. Ito ay bilang pagpapatuloy ng proyekto ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at ng Augustinian Missionaries of the Philippines-IP Mission na nagsimula pa noong Agosto ng 2018. Layunin ng

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Diocese ng San Jose sa Nueva Ecija, makikiisa sa Earth Hour

 9,685 total views

 9,685 total views Makikiisa ang Diocese of San Jose, Nueva Ecija sa gaganaping Earth Hour sa Sabado. Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, mahalagang makikiisa ang simbahan upang mapataas ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan. Ang Earth Hour ay isasagawa araw ng Sabado, ika-30 ng Marso, ganap na alas-8:30 medya hanggang alas-9:30

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Environment group dismayado kay Speaker GMA, sa pagsusulong ng pagmimina sa bansa

 10,592 total views

 10,592 total views Dismayado ang grupong Alyansa Tigil Mina sa pahayag ni House speaker Gloria Macapagal Arroyo na dapat itaguyod ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagmimina sa bansa. Ayon kay Jaybee Garganera – National Coordinator ng ATM, ipinakikita lamang nito ang pagiging anti-poor ng dating pangulo at ang kan’yang pagwawalang bahala sa

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Simbahan, nanawagan ng pagtitipid sa tubig

 9,663 total views

 9,663 total views Nanawagan si Diocese of San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa lahat ng mamamayan na magtipid sa paggamit ng tubig. Ayon sa Obispo, bahagya nang nakararanas ngayon ng pagkatuyo ng patubig na pang-agrikultura at mga balon sa ilang bahagi ng kanyang nasasakupang Diyosesis. Batid din ng Obispo ang nararanasan ngayon na hirap

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top