147 total views
Iilan lang ang mga Pilipinong nakaluluwag dahil marami pa ring pamilya ang naghihirap.
Ito ang inihayag ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco, matapos na ilabas ang datus ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsasabing tumaas ang consumer expectation o consumer confidence index sa 4th Quarter ngayong taon ng positive 9.2 percent, ang pinakamataas na level ng index mula noong 2007.
Iginiit ni Bishop Ongtioco na halos mga Overseas Filipino Workers lamang o mga may kaanak na nasa abroad ang nakaluluwag dahil na rin sa mataas na exchange rate o palitan ng dolyar sa piso na umaaabot na sa halagang P49 na ayon sa ilang ekonomista ay maari pang maging P50 kada dolyar.
Hindi naman minasama ng Obispo ang patuloy na pagtaas ng palitan ng dolyar dahil nakatutulong naman itong sa mga kaanak ng mga OFWs dito sa bansa.
Magugunitang hiniling ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya na ilaan ang oras sa pagsisilbi sa simbahan ngayong pasko,http://www.veritas846.ph/spend-time-church-ngayong-pasko/.
Gayunman, hiling ni Bishop Ongtioco na mapanatili nila ang mga family at gospel values ngayong pasko.
“Ang punto ko real progress is lahat umaangat hindi lang konti masasabi natin maganda ang buhay sa Pilipinas kung lahat ay maganda ang takbo ng buhay, hindi lang iyon as stressed in percentage ilan sa ating mga kababayan ang naka – abroad as migrant workers. But I’am happy if they have a good job, they have a good exchange that is for their families. Tinitignan natin sa mas malawak na paraan. And also it continues too reaffirm their important values, family values, gospel value. Nakakatulong ba ang paghanap – buhay, pagkita ng pera ay dapat kaakibat iyon ng mga good values,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Veritas Patrol.
Hiniling din ni Bishop Santos na gamitin ang salapi sa paglilingkod sa kapwa. http://www.veritas846.ph/gamitin-ang-salapi-sa-paglilingkod-sa-kapwa/.
Nauna na ring nanguna ang Pilipinas bilang pinakapositibong bansa sa quarterly survey ng Nielsen Global Survey of Consumer Confidence and Sending Intentions.
Sa naturang survey, naungusan ng Pilipinas ang may 63 bansang kasali sa survey makaraang makakuha ito ng 132 optimism score.
Samantala, pinaalalahanan na rin ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na matutong magtipid dahil ang mahalagang sa nalalapit na Kapaskuhan ay ang isang buong pamilyang nagmamahalan.