Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus, ipinagdiwang sa pagkakawanggawa at panalangin

SHARE THE TRUTH

 408 total views

April 13, 2020-2:19pm

Bagama’t walang marangyang pagdiriwang, naging abala ang simbahang katolika sa buong mundo sa paggunita sa kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sa sama-samang pananalangin at pagtulong sa mamamayan ng bawat bansa sa naging epekto ng Novel Coronavirus.

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat kristyano na patuloy na maging tagapagbahagi ng Mabuting Balita sa kabila ng banta ng pandemya.

“Christ, my hope, is risen! A different ‘contagion’, one that is transmitted from heart to heart,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

“For many, this is an Easter of solitude, lived amid the sorrow and hardship that the pandemic is causing, from physical suffering to economic difficulties.”

Ito ang mensahe at pagninilay ni Pope Francis sa pagdiriwang Pasko ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon sa Santo Papa, mahalagang maging tagapagpadaloy ng pag-asa at kalakasan sa kapwa sa gitna ng takot na hatid ng Covid-19.

Hinikayat rin ni Pope Francis ang bawat isa na buksan ang puso para sa pagkakawanggawa upang makapagbahagi lalu na sa mga mahihirap.

Sa Pilipinas, kasunod ng panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) inilunsad ng Caritas Manila ang Ligtas Covid-19 campaign habang ang Caritas Philippines naman ay pinasimulan ang Kindness Stations sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Ito ay bukod pa sa mga programa at inisyatibo ng bawat parokya sa may 86 na diyosesis sa buong Pilipinas.

Sa Europa, nagsindi ng kandila sa bawat bintana ng tahanan sa pangunguna ng Commission of the Bishops Conference of the European Union upang hingin ang tulong ng Panginoon sa pagpuksa ng nakahahawang sakit.

Labing-limang minutong pagpapatunog naman ng kampana ang isinagawa ng Bishops Conference of the Netherlands na isang hudyat para sa pakikiisa ng pananalangin.

Sa Italya, pinangunahan naman ng Community of SantEgidio ang pagbibigay ng pananghalian para sa mga dukha noong Easter Sunday.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 28,378 total views

 28,378 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 37,046 total views

 37,046 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 45,226 total views

 45,226 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 40,918 total views

 40,918 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 52,968 total views

 52,968 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top