Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 878 total views

Ang Mabuting Balita, 2 Nobyembre 2023 – Juan 14: 1-6
“PASS”
Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
————
Ang kamatayan ng isang minamahal sa buhay ay kahit kailan, hindi magiging madali, sapagkat ang pagkawala ng isang minamahal ay laging mag-iiwan ng “vacuum” o basyo sa ating mga puso. Ngunit para sa ating mga Kristiyano, hindi kailangang maging basyo ang ating mga puso ng matagal. Ito ay mapupuno ng malaking pag-asa, sapagkat alam natin na siya ay mapupunta sa tirahan na inihanda ni Kristo para sa mga tagasunod niya, at alam natin na balang araw, maging sa anumang paraan, makakapiling natin silang muli. Para sa atin na mga naiwan nila, mahalagang alalahanin na si Jesus ang ating “PASS” papunta sa langit. Kalooban ng Ama na ibalik sa kanya muli, tayong lahat na kanyang nilikha.
Napakapalad natin na bagama’t tayo ay nagkakasala kung minsan, tayo ay binibigyan ng pagkakataong makarating sa langit. Kaya’t habang narito tayo mundo, gawin natin ang lahat ng ating magagawa upang masundan natin si Jesus, ang daan, ang katotohanan at ang buhay, at hindi tayo mawawala sa landas patungong kalangitan.
Ipanalangin natin ang ating mga pumanaw na kamag-anak, mga kaibigan at kakilala, lalo na yaong walang nagmamahal at nananalangin para sa kanila, pati na rin mga namatay na biktima ng karahasan at digmaan, ng makamit nila ang walang hanggang kapahingahan sa langit kapiling ang Diyos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,784 total views

 70,784 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,779 total views

 102,779 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,571 total views

 147,571 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,542 total views

 170,542 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,940 total views

 185,940 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,506 total views

 9,506 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

OPPOSITE

 1,904 total views

 1,904 total views Gospel Reading for November 6, 2025 – Luke 15: 1-10 OPPOSITE The tax collectors and sinners were all drawing near to listen to

Read More »

GOD ALONE

 2,854 total views

 2,854 total views Gospel Reading for November 05, 2025 – Luke 14: 25-33 GOD ALONE Great crowds were traveling with Jesus, and he turned and addressed

Read More »

NOT AUTOMATIC

 3,285 total views

 3,285 total views Gospel Reading for November 04, 2025 – Luke 14: 15-24 NOT AUTOMATIC One of those at table with Jesus said to him, “Blessed

Read More »

A ONE-WAY GESTURE

 3,300 total views

 3,300 total views Gospel Reading for November 03, 2025 – Luke 14: 12-14 A ONE-WAY GESTURE On a sabbath Jesus went to dine at the home

Read More »

ASSURED

 3,416 total views

 3,416 total views Gospel Reading for November 02, 2025 – John 14: 1-6 ASSURED The Commemoration of All the Faithful Departed (All Souls) “Do not let

Read More »

BE COUNTED, Solemnity of All Saints

 3,507 total views

 3,507 total views Gospel Reading for 01 November 2025 – Matthew 5: 1-12a BE COUNTED, Solemnity of All Saints When Jesus saw the crowds, he went

Read More »

OF PRIMARY IMPORTANCE

 3,197 total views

 3,197 total views Gospel Reading for October 31, 2025 – Luke 14: 1-6 OF PRIMARY IMPORTANCE On a sabbath Jesus went to dine at the home

Read More »

STRONG AND COURAGEOUS

 2,604 total views

 2,604 total views Gospel Reading for October 30, 2025 – Luke 13: 31-35 STRONG AND COURAGEOUS Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave

Read More »

SACRIFICE

 2,713 total views

 2,713 total views Gospel Reading for October 29, 2025 – Luke 13: 22-30 SACRIFICE Jesus passed through towns and villages, teaching as he went and making

Read More »

HE DOESN’T SLEEP

 7,781 total views

 7,781 total views Gospel Reading for October 28, 2025 – Luke 6: 12-16 HE DOESN’T SLEEP Jesus went up to the mountain to pray, and he

Read More »
Scroll to Top