Ang Gawaing Bahay ay Walang Kasarian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,237 total reads

Kapanalig, aminin natin na kahit pa moderno na ang panahon, hindi pa rin patas ang pagtrato natin sa babae at lalaki, kahit mismo sa ating mga tahanan. Ito ay realidad hindi lamang sa mga tahanang Pilipino, kundi sa maraming bansa sa buong mundo.

Naging mas matingkad nga ang sitwasyon na ito noong kahitikan ng pandemic. Mas marami ang naging panahon ng parehong babae at lalaki sa mga bahay diba, dahil sa mga lockdowns at remote work setups. Pero kahit pareho silang naka-work from home, ang babae, mas dumami ang oras sa trabahong bahay. Nakita nga ng isang pag-aaral mula sa Oxfam noon sa Pilipinas, Kenya, United Kingdom, United States, at Canada, na 84% ng mga babae ang siyang gumagawa ng mga housework o gawaing bahay. Ayon pa sa isang pag-aaral ng Organisation for Economic Co-operation and Development  o OECD, higit pa sa sampung beses ang gawain ng mga babae kaysa lalaki sa mga tahanan.

Minamaliit natin ang gawaing bahay kapanalig, at lagi nating inaasa ang mga ito sa babae. Sa Pilipinas, mula pagkabata, pinapamulat pa natin sa mga bata na ang paglalaba, pamamalantsa, paglilinis, pag-aalaga, at pagluluto at iba ay gawaing babae. Hindi madali ang gawaing bahay, kapanalig – mabigat na trabaho ito, at kumakain ng napakalaking oras. Malaki ring mental load ito sa mga nanay ng tahanan – kahit hindi mo pa ginagawa ito, nakakapagod na dahil magkakaugnay at natatambak ang lahat ng gawaing ito.

Ang gawaing bahay ay integral sa ating pang-araw araw na buhay. Kasama ito sa ating routine na tinambak natin sa mga kababaihan. Pero kapanalig, ang gawaing bahay ay walang kasarian.

Kailangan nating inormalize ang pagpapatakbo ng tahanan ay shared responsibility ng babae at lalaki. Kailangan din natin i-mainstream ang positibong konsepto ng masculinity – kung saan mulat ang lahat na  hindi kabawasan sa pagkatao ninuman ang paggawa ng domestic work, gaya ng pag-aalaga ng anak, pag-aalaga sa mga seniors, paglilinis ng bahay, at iba pa. Napakahalaga na imodelo natin ito sa mga susunod na henerasyon, upang ang mga kabataan ngayon ay mababago na ang mga maling praktis na ating naipamana pa sa kanila ngayon.

Si Pope Francis ay nagpapa-alala sa atin na ang laban para sa women’s equality ay laban nating lahat. Sabi niya sa Fratelli Tutti, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan:  The organization of societies worldwide is still far from reflecting clearly that women possess the same dignity and identical rights as men. We say one thing with words, but our decisions and reality tell another story. Kapanalig, ang gender equality ay dapat na nating dalhin sa ating mga tahanan. Ang maligayang tahanan, kapanalig, ay tahanang tunay na nagmamahalan at kinikilala ang dignidad at karapatan ng bawat isa.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 20,487 total reads

 20,487 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 69,002 total reads

 69,002 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 118,753 total reads

 118,753 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 277,951 total reads

 277,951 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 304,120 total reads

 304,120 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kasaysayang ayaw nating maulit

 20,488 total reads

 20,488 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 69,003 total reads

 69,003 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 118,754 total reads

 118,754 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 277,952 total reads

 277,952 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »
Scroll to Top