Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

SHARE THE TRUTH

 91,771 total views

July 17, 2020-12:48pm

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City.

Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo sa banal na misa.

Labis pa rin ang pasasalamat ng Obispo dahil nagkakatipon nang muli ang mga mananampalataya.

“Ibang-iba po ito dahil first time akong magmisa dito naka facemask, kasi everytime I come here hindi facemask, faith mask. Ibig sabihin sa puso aking nakikita nag-aalab ang inyong pananampalataya at laging hinihintay ang mensahe ng salita ng Diyos.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Ongtioco.

Binigyang diin naman ng Obispo sa kan’yang pagninilay na sa kabila ng krisis na dulot ng COVID-19, nawa ay matularan ng mga mananampalayata ang ipinakitang pagtitiwala ni Maria sa Panginoon.

Aniya, ipinamalas ng Mahal na Birhen ang pagiging tapat at masunurin sa gitna ng pagharap sa maraming pagsubok.

“Sa kan’ya makikita natin kung paano tayo dapat manatiling tapat sa gitna ng mahigput na pagsubok, lalong-lalo na po itong panahon ng pandemya. Dapat matibay, malalim ang ating pananampalataya sa pagmamahal ng Diyos,” pahayag ng Obispo.

Ipinaalala niya na kahit dumaranas ng hirap ang buong mundo ay nananatiling umaapaw, at hindi nagmamaliw ang pag-ibig ng Panginoon para sa lahat.

“God’s love is abundant, God’s love is stable, God’s love is inclusive,” dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Sa pagtatapos ng pagninilay, nilinaw ng Obispo na ang pandemyang COVID-19 ay hindi kagustuhan ng Panginoon, at kailan man ay hindi nanaisin ng Diyos ang anu mang makasasama sa tao.

Ang banal na misang ginanap sa Our Lady of Mount Carmel Parish sa Project 6, Quezon City ang unang Fiesta Mass na pinangunahan ni Bishop Ongtioco.

Ito ay matapos pahintulutan ng Inter-agency Task Force ang pampublikong banal na misa subalit limitado sa 10-porsyento ng kabuuang kapasidad ng simbahan ang makadalo sa pagtitipon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 65,658 total views

 65,658 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 89,648 total views

 89,648 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 80,104 total views

 80,104 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 96,261 total views

 96,261 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 135,971 total views

 135,971 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 234,161 total views

 234,161 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 178,007 total views

 178,007 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top