330 total views
Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office na palalakasin ang mga programang kawanggawa sa kapakinabangan ng mga Filipino lalo na ang mahihirap.
Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royima Garma, isasabuhay nito ang diwa ng ahensya bilang institusyon ng kawanggawa at lumilingap sa pangangailangan ng mahihirap.
“PCSO continuously lives up to its mandate of raising funds to support the medical related needs of our countrymen,” pahayag ni Garma.
Ang mensahe ni Garma ay kasunod ng pamamahagi ng PCSO ng apatnapung sasakyan o ang Patient Transport Vehicles (PTVs) sa mga piling munisipalidad at institusyon na labis nangangailangan ng tulong.
Inihayag ng PCSO General Manager na ang mga sasakayan ay makatutulong na mas mapabilis ang paglilingkod sa mga kanayunan partikular ang pagdadala ng mga pasyente sa mga pagamutan.
“Through these PTVs, we want to help other LGUs, government hospitals and institutions by arming them with the proper vehicle for the immediate transport of their respective patients and constituents to medical and health facilities,” dagdag ni Garma.
Sa pagbasbas ng mga PTVs, binigyang diin ni Rev. Fr. Raymar Olila na ang mga sasakyang gagamitin sa paglilingkod sa mga maysakit ay pakikiisa na rin sa gawain ng simbahan na paglingap sa mga may karamdaman.
“In serving the sick, you become part of the ministry of the Church,” pagninilay ni Fr. Olila.
Magugunitang sa unang bahagi pa lang ng 2020 ay nakapagpamahagi na ang PCSO ng 252-unit ng PTVs sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya kung saan nagamit ito sa mga benepisyaryong munisipalidad sa paglilingkod ng kanilang nasasakupan sa COVID-19 response.
Kabilang sa mga programa ng PCSO ang Medical Access Program, Calamity Assistance Program, Medicine Donation Program at iba pa.
Ginanap ang turnover ceremony sa 40 PTVs sa Nissan North EDSA kung saan ang bawat sasakyan ay nagkakahalagang Php1, 585, 063 na libreng ipinamahagi sa mga benipisyaryong munisipalidad at institusyon.