Online platforms, gamitin sa paggunita ng Undas-Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 828 total reads

Dulot na rin ng patuloy na banta ng novel coronavirus at mga limitasyon dulot na ring mga umiiral na community quarantine, hinikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na gamitin ang makabagong teknolohiya para sa pagtitipon kasama ang pamilya sa paggunita ng All Saints at All Souls Day.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng family reunions at prayer meeting sa pamamagitan ng on-line o zoom meetings.

“Ang Undas para sa atin panahon ng family reunion, nagsasama-sama ang mga family…Ba’t hindi tayo mag-zoom meeting as family and prayer meetings,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ito ang mungkahi ni Bishop Pabillo lalu’t tradisyon ng mga Filipino ang pagtitipon ng pamilya tuwing Undas o Todos Los Santos habang pansamantala namang isinarado ang mga sementeryo sa bansa bilang bahagi ng pag-iingat sa patuloy pang pagkalat ng novel coronavirus.

Pinaalalahanan din ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na ngayon pa lamang ay dumalaw na sa mga puntod ng kanilang mga namayapa.

“Ngayon maaga pa, dumalaw na (sementeryo). Ngayon pede na sila dumalaw at ganun din after November 4 at sa buong buwan ng Nobyembre. Magkaisa lang ang pamilya sa kanilang pagsama-sama roon,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tagubilin pa ng obispo ang ibayong pag-iingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask, faceshield at pag-distansya sa maraming mga tao upang makaiwas mula sa nakakahawang Covid-19.

Hiling din ni bishop pabillo sa publiko na hindi lamang basta dumalaw sa mga puntod kundi ang mahalaga ay ang pagdarasal para sa mga kaluluwa.

Dagdag pa ng obispo ang pagsisimba at ang pag-aalay ng misa sa mga namayapa gayundin ang pananalangin kasama ang pamilya na maaring isagawa sa kanilang mga tahanan.

“Mas maganda ay isimba natin, wag lang magbigay ng pangalan para sa yumao,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Una na ring nagpalabas ng panuntunan ang Archdiocese ng Manila na may temang One with Our Beloved Dead sa nalalapit na paggunita ng All Saints at All Souls Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 46,301 total reads

 46,301 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 83,776 total reads

 83,776 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 119,075 total reads

 119,075 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 345,345 total reads

 345,345 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 236,088 total reads

 236,088 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 10,222 total reads

 10,222 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top